CHAPTER 103

464 15 1
                                    

Third Person's Pov

Simulang nang gabi iyon ay lagi na silang magkatext ni Lisa at pag tulog na ang Mama ni Jennie ay tinatawagan ni Jennie si Lisa para mas makapagusap ng maayos. Late na din nakakatulog si Jennie sa pakikipagusap kay Lisa. Hanggang sa Araw na Lalabas na siya sa Hospital.

( FAST FORWARD )

8am ng magising si Jennie. Medyo antok pa ito dahil napuyat na naman siya kagabi gawa nga ng magkausap sila ni Lisa. Sinabi na din ng Mama ni Jennie na after lunch sila makakauwi dahil busy pa si Kai ng mga Oras na ito. Kaya agad naman niyang kinuha ang CP niya at tinext si Lisa...

JENNIE: Goodmorning? Gising ka na ba?

Agad namang nagreply si Lisa. Dahil hindi naman pala ito nakatulog kanina simula nang patayin ni Jennie ang Call nila, siguro ay isa din si Lisa sa Excited na makalabas si Jennie dahil magkikita na sila ulit.

LISA: Yes po, Gising na po ako. Good Morning... ( pagsisinungaling niya )

JENNIE: Ang aga mo namang nagising. Mukang hindi ka naman ata natulog? 4am na tayo natapos magusap ah....

LISA: Nakatulog ako. Kaso nga sa sobrang excited ko nagising agad ako ng maaga. Hehehe alam ko kasing lalabas ka na ngayon. Pwede na tayong magkita ulit.

JENNIE: Sure ka?.

LISA: Opo Sure po ako... Miss na kita sobra..!

JENNIE: Wag mo kong dramahan diyan Lisa. Nakoooo..

LISA: Hala, Ang sungit naman ng Asawa ko.. Aga-aga HB..

Namula naman si Jennie sa nabasa, at bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang pisngi niya dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon.

JENNIE: Asawa ka diyan?! Hindi tayo kasal no!..

LISA: Ganun din yun! Dun din tayo pupunta. Advance lang ako!

A: Aysuuussss!.. pakipot si Mareng Jennie natin!... Kinikilig naman!... nakoo

JENNIE: Ang ingay mo na naman.. Osya mamaya nalang ulit ahh.. Agahan mo punta dito. Mga 1pm siguro ako lalabas dito..

LISA: Yes Ma'am. Makakaasa ka. Agahan ko. I Love you Jennie! Bye!

Namula na naman siya sa nabasa niya sabay sabi sa sarili na....

JENNIE: Ano ka ba Jennie! Relax ka lang! Wag kang marupok!.. potek ka!....

Sabay tingin niya ulit sa Cellphone niya at nagreply kay Lisa, Kunwari hindi Affected..

JENNIE: Hmmm Sige Bye. See you later..

Pagkabasa na pagkabasa ni Lisa ng Last text ni Jennie ay napaPout siya na parang bata at sabay sabi ng........

LISA: Wala manlang I love you too?... Tsssk ano ba yan! Sungit talaga! ( bigla naman siyang ngumiti ) pero okay lang. magkikita naman na ulit kami, dun naman na siguro niya sasabihin yung I Love you too...! Makapagluto na nga!...

Sabay tumayo naman ni Lisa sa Kama niya at nagtungo sa kusina para magluto ng breakfast, masayang naluluto si Lisa ng Breakfast with matching pakanta kanta pa ng "How you like that"  A: Idol nito siguro Blackpink Hahahahaha!

Habang nagluluto siya ay biglang kumatok ang Uncle niya. At pinagbuksan naman niya ito ng abot tenga ang ngiti...

UNCLE: Oh? Anong nangyari sayo? Sinasapian ka ba?! ( habang naglalakad papunta sa sala )

LISA: Uncle naman. Hindi ako sinasapian, masaya lang ako ngayon kasi lalabas na si Jennie sa Hospital. Magkikita na ulit kami!.... ( masayang sabi nito )

UNCLE: Buti naman kung ganun, masaya ako para sayo anak.. Pero luto na ba yang niluluto mo? Gutom na ko ee...

Bigla naman nabago mood ni Lisa at nagpout ito..

LISA: Uncle naman ee, ang saya na nung moment na sinasabi niyo ee. Biglang niyo namang siningit yung gutom niyo!

UNCLE: Aba eh ano magagawa ko Lisa, yung mga dragon ko sa Tiyan nagtatalunan na... Luto na ba yan?..

LISA: Opo ito na malapit na! Tsssk..( nakapaout pa din ito )

UNCLE: Okay buti naman..( nahiga muna ito sa Sofa )

Natapos na din ni Lisa ang pagluluto at tinawag na niya ang Uncle niya at sabay na sila kumain. Pagkatapos nila kumain ay nagtungo agad si Lisa sa room niya at naghanap ng magandang damit na susuotin niya para mamaya. Kasama na din ang binili niyang kwintas na mamahalin na Gift nito kay Jennie kasi sa wakas ay nakalabas na siya sa Hospital na matagal din siyang nakulong.

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon