Still Cont'
Nakaupo na si Jennie sa kama niya habang nagiisip dahil naguguluhan pa din siya kung bakit ganun sa kanya si Lisa.. ( A: lumalambot na Puso mo Mare ! Haha ) Habang si Lisa naman ay nakaupo pa din sa Garden habang iniisip din si Jennie...
LISA: Matawagan nga.. makapagpaalam na.. balik nalang siguro ako bukas ng mas maaga pa.. ( masayang sabi ni Lisa )
Agad namang kinuha ni Lisa ang phone niya at tinawagan si Jennie pag ka-Ring ng Phone ni Jennie ay nagulat si Lisa dahil sa ingay ng Ringtone na nagmumula sa ilalim ng upuan, kaya agad na yumuko si Lisa sa upuan na kinauupuan niya para tignan kung nasaan yung maingay. At nakita nga niya na CP iyon ni Jennie kaya kinuha niya...
LISA: Nahulog pala sa kanya to, hindi na niya namalayan, sa pagmamadali siguro kanina.. Maibigay nga muna.. ( agad na itong tumayo )
Sa Oras ding ito ay hinahanap na ni Jennie ang CP niya dahil wala ito sa kwarto at sa bulsa niya, hanggang sa maalala niya na baka nahulog ito sa Garden nung kasama niya si Lisa..
JENNIE: Baka nga nasa Garden.. Tss! Babalik na naman ako.. bakit kasi ang Clumsy ko! Haaaysss.. wala pa naman si Mama! Maya maya pa siguro pupunta yun..HAAYYYY NAKOOO JENNIEEEEEEE! Ang dilim pa naman sa may hallway na dadaanan ko.. tss! Bakit naman kasi ngayon pa nasira ang ilaw!...
Wala na ngang nagawa si Jennie kundi lumabas ulit at pumunta sa Garden, habang dumadaan siya sa Hallway na madilim patungo sa Elevator na sasakyan niya pababa ay napansin niya yung lagi niyang nakikitang pasyente na nakatayo at nakatingin sa kanya na medyo malayo naman sa kanya, kaya napaatras siya ng konti dahil sa nagulat siya..
JENNIE: A-ah m-manong, nakakagulat naman po kayo....
Hindi ito umiimik at nakatitig lang ito sa kanya...
JENNIE: Bakit nandito pa po kayo sa labas? Bumalik na po kayo sa kwarto niyo po...
Still hindi pa din ito umiimik at nakatitig pa din ito...
JENNIE: Ahh?.. Hello po manong???.. naiintindihan niyo po ba ako???....
Nanlaki ang mata ni Jennie, ng makita niya na nagbago ng anyo yung Lalaking pasyente at naging Evil Spirit ito na nakakatakot ang mukha, kaya napaupo siya sa takot, ang evil spirit naman ay papalapit ng papalapit sa kanya, kaya umaatras nalang siya habang nakaupo........
( Sa mga Oras namang ito ay kakasakay lang ng Elevator ni Lisa papunta sa Room ni Jennie ).....
Habang paatras ng paatras si Jennie ay biglang nawala yung multo at sumulpot mismo sa harapan niya at sinakal siya nito sabay hagis sa pader na ikinalambot niya.. sa pagkakataon na to ay lalapit ulit ang evil spirit kay jennie para saktan , ng Sumigaw si Jennie...:
JENNIE: LISAAAAA!!!!!!!.... ( habang nilagay ang dalawang kamay sa mukha )
Sakto namang bukas ng pinto ng Elevator ng sumigaw si Jennie, kaya narinig ito ni Lisa at agad na lumabas sa elevator. At nakita niya yung Evil Spirit na papalapit na kay Jennie na takot na takot....
LISA: JENNIE!!!!!!......( Sabay takbo nito sa Evil Spirit at sabay Sipa nito para mapalayo kay Jennie )
Agad na lumapit si Lisa kay Jennie..
LISA: Jennie?.. okay ka lang?... nasaktan ka ba?!.. wag ka ng magalala nandito na ko. Okay??..Diyan ka lang muna... ( sabay tingin ng masama sa Evil Spirit ) HOY! IKAW! Ano ginawa mo sa Girlfriend ko!!!! Walang hiya kaaaaa!!!....... ( sabay takbo nito at nakipaglaban sa Evil Spirit )
Ilang minuto din ang inabot ng matalo ni Lisa ang Evil Spirit, nilapitan ulit ni Lisa si Jennie para kamustahin....
LISA: Jennie?.. okay ka lang ba?.. wala bang masakait??...
JENNIE: L-lisa? A-ano yung nakita ko?.. m-multo ba yun?.... ( kita sa mga mata niya ang takot )
Tumungo lang si Lisa kay Jennie at hindi sinagot ang tanong nito...
JENNIE: Lisa sagutin mo ko?! Ano ba yun?! Multo ba yun?... kung multo yun? Bakit ako nakakakita ng multo?.. hindi naman ako nakakakita ng ganyan dati ee?!!
Agad namang tumingala si Lisa at tumingin ng deretso kay Jennie...
LISA: Jennie, siguro gawa ito nung naComa ka.. yung kaluluwa mo kasi umalis sa katawan mo at naligaw ka, dun naman kita nakilala... Siguro nadala mo iyon hanggang sa magising ka ulit ngayon after 5 yrs.. nabuksan yung Third Eye mo..Pero wag kang magalala Jennie, Nandito naman ako.. Poprotektahan kita! Pangako ko yan sayo! Hindi kita pababayaan.....
JENNIE: Siguro nga matagal na tayong magkakilala, kasi hindi ko alam kung bakit kita Tinawag kanina nung sobrang takot ko... siguro nung multo ako inaalagaan mo talaga ako.. kaya ganun nalang kung isigaw ko ang pangalan mo... Pero bakit ganun wala akong matandaan!...( agad niyang hawak sa ulo niya )
LISA: Wag ka ng magisip Jennie. Okay?.. hayaan mo muna ang lahat.. Maaalala mo din ang yan.. Pero ngayon Magpahinga ka muna at wag kang magisip...
Tumango lang si Jennie sa sinabi ni Lisa, at inalalayan siya ni Lisa para tumayo, sabay dating naman ng Doctor ni Jennie na nagaalala dahil sa nangyari.. at dinala na nga si Jennie ng Doctor niya sa Room niya. At chineck up saglit, Sumunod din si Lisa sa Loob ng Room...
BINABASA MO ANG
(JENLISA ) The Stranger Ghost
FanfictionPaano kung magtagpo kayo sa hindi niyo alam ang dahilan kung bakit. At ang mahirap dun magkaiba ang inyong mundo at alam mong hindi kayo pwede magsama dahil isa siyang Multo. Ano ang gagawin mo? Iiwasan mo ba siya o hayaan nalang ang sariling mag mu...