CHAPTER 97

461 10 0
                                    

( Kinabukasan )

Nagising si Lisa ng maaga at nakita niya ang Uncle niyang mahimbing ang tulog sa sofa, ginawa muna niya ang Morning routine niya bago siya mamalengke ng mga lulutuin niya para kay Jennie, dinamihan na ni Lisa ang pinamili dahil para sa Uncle niya at sa Mama ni Jennie, dahil alam ni Lisa na sabay kumakain ang mag-ina, kaya dinamihan niya ang Luto para sa kanila... hindi na din nagawa ni Lisa kumain dahil baka maunahan siya ng Mama ni Jennie na bumili ng Lunch, kaya mga 10:30 palang ay aalis na ito..

LISA: Uncle? ( habang inuuga niya ito )

UNCLE: Hmmm ( tanging sang ayon ng Uncle niya )

LISA: Aalis po muna ako Uncle, dadalhan ko si Jennie ng Lunch niya. Maiwan ko po muna kayo dito. Nasa lamesa na po yung pagkain niyo.. Kainin niyo po yun bago kayo umalis...

UNCLE: Sige Lisa, Salamat.. magiingat ka sa byahe.. inaantok pa ko ee, mamaya ko nalang kakainin...

LISA: Sige po Uncle, alis na po ako.. Lock ko nalang po yung pinto...

Hindi na sumagot ang Uncle niya dahil sa natulog na ito ulit. Kaya naman agad na ding umalis si Lisa para makarating siya ng maaga sa Hospital.. nagaalala kasi siya na baka bumili na ng Lunch ang Mama ni Jennie, at hindi na makain ang niluto niya..

Dumako naman tayo sa Hospital na kung saan si Jennie ay late na nagising.. mga 9:30 na din siya nagising dahil napuyat ito sa kakachat sa mga kaibigan na matagal niyang hindi nakasama..

J.MOTHER: Jennie Anak, aalis na muna ako ahh.. baka gabi na ako makabalik dito. May aasikasuhin kasi kami ng Papa mo..

JENNIE: Sige po Mama, kaya ko naman na po sarili ko.. medyo nakakalakad na din po ako mg Ayos, kaya no worries Mama , okay lang po ako dito..

J.MOTHER: Mabuti naman anak, basta pag nagutom ka nandiyan sa Gilid ang pagkain mo, kung magkulang naman. Tawagan mo ako.. papadeliver nalang ako ng Food, okay?

JENNIE: Okay po Mama.. Salamat po.. Ingat po kayo ni Papa..

J.MOTHER: Okay anak, pag pumunta si Doc at hinanap ako, sabihin mo may inasikaso lang kami ng Papa mo ahh. Gabi na ako makakapunta dito..

JENNIE: Okay po.. Bye Mama.. Ingat po..

J.MOTHER: Bye Anak, ( sabay kiss sa Forehead ni jennie )

Umalis na din agad ang Mama ni Jennie, dahil medyo urgent yung aasikasuhin nila magasawa.. mga 10mins din ang nakalipas ng makaramdam ng Boring si Jennie, kaya naisip nitong lumabas muna at pumunta sa Garden para magpahangin at ng maexercise din ang mga paa niya, kaya tumayo agad ito at dinala muna ang saklay in case of emergency at lumabas na nga ito  papunta sa Garden... Pag ka dating sa Garden ni Jennie ay naupo muna siya sa isang mahabang upuan at pinagmasdan ang paligid...

JENNIE: Tagal ko din naComa. nakakamiss din yung ganitong pakiramdam at mga nakikita..( masayang sinasabi nito sa paligid )

Habang pinagmamasdan ni Jennie ang Piligid ay may napansin siyang isang Pasyente na nasa malayo at ito'y nakatingin sa kanya ng tuwid..

JENNIE: Nakakaawa naman yung pasyente na yun, lagi ko siyang nakikita dito sa Hospital, tapos wala pang  dumadalaw sa kanya.. Haaaaysss...nakakaya nya yung ganun? Nasaan kaya mga Anak niya o kaya yung Asawa niya? Bakit lagi siyang magisa?... Haaaysss ( sinasabi pa din niya sa sarili niya habang nakatitig sa pasyente )

Patuloy pa din na kinakausap ni Jennie ang Sarili niya, nang may kumalabitbsa kanya na kinagulat niya...

JENNIE: AAHHHHHH!!!! ( napahawak siya sa dibdib niya ).................

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon