CHAPTER 106

477 11 0
                                    

( Kinabukasan )

Hindi namalayan ni Lisa ng Kinabukasan na siya nagising dahil na din sa pagod nito at puyat kahapon. Tinignan niya ang Oras..

LISA: 7am? Grabe ang haba pala ng tulog ko. ( sabay unat nito at tumayo na sa kama niya )

Pagkatayo ni Lisa sa kama niya ay lumabas na siya para sa morning routine niya, nakita naman niya na wala na ang Uncle niya at may pagkain na sa mesa.

LISA: May trabaho na naman ata si Uncle ngayon.

Nagtungo nga si Lisa sa CR para sa Morning routine after niya dito ay kinuha niya ang pagkain at dinala na niya sa Sala para dun na kumain at binuksan ang Tv.

LISA: Wala namang magandang palabas. Tssk! ( habang palipat lipat ng channel ) ... Ah ito nalang Cartoons.. ( tinigil ang paglilipat at binababa ang Remote na hawak )

Nagpatuloy si Lisa sa pagkain at panunuod ng Tv ng tumunog ang Phone niya at nakitang si Chaeng ang tumatawag.

LISA: Bakit Senior?

CHAENG: Free ka ba mamayang gabi? Tara yayain ka namin gimik tayo!

LISA: Bago yan Senior ahh? Ang alam ko kasi hindi ka mahilig sa ganyan kasi Busy ka kay Senior Jisoo? Hahahaha

CHAENG: Yah! Anong pinagsasabi mo?!! Nakaloudspeaker ka!!!

LISA: Ooopppssss... ( bigla namang tumikom ang bibig niya tulad ng lagi niyang ginagawa ) Sorry heheheheh..

CHAENG: Pinagsasabi mo kasi! Humanda ka talaga sakin!

JISOO: Suuusss! Deny ka pa!....

CHAENG: ISA KA PA!!!! ( sabi niya kay Jisoo )

LISA: Oh Easy lang Senior namumula ka na naman ata sa galit.. Joke lang yun Senior Jisoo! ( dahil nga naka loudspeaker ito kaya ganun nalang sinabi niya )

JISOO: Wag mo nang pagtakpan nila.. Alam ko naman talaga na may pagnanasa to sakin...!

CHAENG: Yah!! Ang kapal ng mukha mo!! Sino ka para pagnasahan ko?!!

Sabay takbo naman ni Jisoo dahil hinahabol na siya ni Chaeng.

CHAENG: Halika ka dito!!! Patay ka sakin pag naabutan kitang MANOK KA!!!

JISOO: Masarap naman!!! ( habang nagpapahabol kay Chaeng )

CHAENG: Aba't sumasabat ka pa talaga!! YAH!! HALIKA DITO!!!!

Tumatawa naman si Lisa sa Phone habang nakikinig sa Dalawa. Alam naman kasi ni Lisa na may Gusto talaga si Chaeng kay Jisoo ayaw lang pahalata ni Chaeng...

LISA: Osya Senior, Mamaya nalang ahh.. kita-kits tayo mamaya.. Maghabulan muna kayo...

CHAENG: Sige Lisa text kita mamaya. Kakatayin ko lang tong Manok na to! Wala ko ulam ee!!!

LISA: Hahaha gusto mo lang talaga kainin yan Senior! ( pagbibiro ni Lisa )

CHAENG: Yah!! gusto mo dalawa ko kayong katayin!? Sige na!! Mamaya nalang! ( End Call )

Napapailing si Lisa habang tumatawa sa Dalawa, at pinagpatuloy ang panunuod niya ng Cartoons..

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon