CHAPTER 119

476 11 1
                                    

Cont'

Pagkabalik nila Lisa sa Room ay nagtataka siya kung bakit wala doon si Jennie..

LISA: Teka nasaan yun?..... Jennie?..

Hinanap niya si Jennie hanggang sa pumasok siya sa isang Room na pahingahan dun sa funeral nang mga bisita..at nakita nga niya dun si Jennie na magisa at  takot na takot na nakaupo sa gilid at yapos yapos ang dalawang tuhod niya. Patakbong lumapit si Lisa kay Jennie at alalang-alala ito sa kanya..

LISA: Jennie?.. bakit ka nandito?.. may nangyari bang hindi maganda? Namumutla ka?....

JENNIE: L-lisa??... n-natatakot ako!...

LISA: Saan ka natatakot Jennie?! Sabihin mo sakin?!....

JENNIE: K-kanina kasi nung hinihintay kita, may nakita na naman akong Multo Lisa! ( mangiyak ngiyak nitong sabi ) h-hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nagtago nalang ako dito.. Lisa natatakot ako! Bakit kasi ang tagal mo!!?...

Nawala naman ang pagaalala ni Lisa sa mukha niya at kinausap niya si Jennie..

LISA: Jennie akala ko naman kung saan ka natatakot, akala ko namang may humahabol sayong tao. Tss multo lang pala..

JENNIE: PALA?!!! Multo lang PALA?!!.. eh muntik na kong atakihin sa puso sa nakita ko!!!

Nagulat naman si Lisa sa sigaw ni Jennie at napaupo ito sa lakas ng sigaw ni Jennie..

LISA: S-saglit lang naman Jennie, ipapaliwanag ko sayo. Wag ka agad magalit nang ganyan..

JENNIE: SABIHIN MO NA KUNG SASABIHIN MO!! Bakit ako nakakakita nang ganun!!

LISA: Huminahon ka muna kasi...

Umupo si Lisa sa tabi ni Jennie at niyakap ito, bago niya ipinaliwanag kay Jennie ang lahat.

LISA: Ganito kasi ang kwento natin. Nung multo ka pa nun ay magkasama tayo sa isang trabaho kasama sila Senior.. nilalabanan natin ang mga Bad spirit para matigil na sila sa panggugulo at pananakit nang mga tao kinakalaban natin sila hanggang sa maglaho sila..

JENNIE: Tapos.?............Ganun ba talaga ako nung multo ako?.. tss hindi ako takot sa multo noon?..

LISA: Jennie naman, paano ka matatakot sa multo noon eh multo ka din diba?...

JENNIE: Oo nga pala.. hayssss ( sabay higpit nang yakap niya kay Lisa )

LISA: Siguro ay naadopt mo yung makakita ng multo hanggang sa magising ka bilang tao na, kasi nanggaling ka na dun sa part na naging multo ka din dati. Pero hindi naman lahat nang multo ay nananakit, yung ibang multo na naencounter natin ay humihingi lang nang tulong satin para makaakyat na sila ng langit..kaya wala kang dapat ikatakot jennie, tsaka nandito ako hindi kita pababayaan..

JENNIE: Siguro nga Lisa hindi na dapat ako matakot, kasi sa kwento mo naman ay hindi mo ako pinababayaan. Salamat ahh nandito ka sa tabi ko..

LISA: Basta wag ka nang matatakot ulit ahh..? Tsaka Jennie kailangan mo na siguro magaral nang self defense. Pag katapos nitong kay Papa tuturuan na kita. May alam si Senior na Lugar para sa praktisan ng mga ganyan..

Wala naman nang nagawa si Jennie kundi tumango nalang kay Lisa, at niyaya na ni Lisa si Jennie para lumabas na....

( FAST FORWARD )

Naitapon na ni Lisa ang Abo nang Papa niya sa lugar kung saan gusto nang papa niya pumunta nung bata pa siya, hindi pa din umiyak si Lisa dahil sa Ayaw nang papa niya na umiiyak siya kailangan nyang maging matigas..ngunit ang puso niya ngayon ay durog na durog na sa nangyayari, dahil hindi na niya talaga makakasama ang Papa niya miski abo nito ay hindi na niya makikita.. inalalayan ni Jennie si Lisa na yakap yakap ang Picture nang papa niya hanggang sa makasakay ito sa sasakyan, at sinamahan niya ito hanggang sa makauwi si Lisa sa Unit niya.. Pagdating nila sa labas ng pinto ng unit ni Lisa ay binuksan ni Lisa ang pinto na may sobrang lungkot sa mukha at nakatulala na naman..kaya nagsalita na si Jennie dahil hindi niya kaya ang nakikita..

JENNIE: Lisa...Pumasok kana at bibigyan kita nang panahon para maluksa pa din sa Papa mo alam ko ang sakit na nararamdaman mo.. Okay lang sakin kahit hindi mo muna ako itext. Basta maging ayos lang muna ang Nararamdaman mo, okay na ko doon.. pero kung kailangan mo ko wag kang magdalawang isip na itext o tawagan ako ahh. Pupunta agad ako dito. Hihintayin kita..

Humarap naman si Lisa kay Jennie at sabay yumakap ito nang mahigpit kay Jennie..

LISA: Salamat Jennie ahh, nandito ka para sakin.. ( sabay hiwalay nang pagyakao niya kay Jennie at hinalikan siya sa Labi ) I Love you...

JENNIE: I Love you too Lisa.. haaaayss wag ka ng malungkot. Alam kong masaya na ang Papa mo okay? Kasi nasa mabuti kang kalagayan ngayon..( sabay kiss sa labi ni Lisa )

Agad namang ngumiti nang tipid si Lisa bago tumango ito sa sinabi ni Jennie...

JENNIE: Osya sige na, pumasok ka na at magpahinga ka na ahh.. Aalis na ko..

Tumango ulit si Lisa at pumasok na nga ito sa loob ng unit niya, at si Jennie na mismo ang nagsarado nang pinto...

(JENLISA ) The Stranger GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon