Still Cont'
Mga ilang minuto din umiyak si Jennie bago ito tuluyang tumahan sa pagkakaiyak.. at tinitigan niya ulit ang kanyang natutulog na katawan. At napangiti siya dahil dito...
JENNIE: Buhay ka Jennie at hindi ka patay, kaya dapat maging masaya ka...( kausap niya ang sarili niya ) panigurado akong matutuwa si Lisa pag nalaman niyang buhay ako...Tama! Pupuntahan ko siya! Sasabihin ko ang magandang balita na buhay ako....! Alam ko matutuwa siya talaga dito!.....
Dali dali namang lumabas si Jennie ng kwarto at patakbo siya papalabas ng Hospital.. Sa kabilang banda naman ay pababa na ng hagdan si Lisa ng Hospital para nga tumakas at makalabas din ng hospital..hanggang sa mapatigil si Lisa dahil may nakita siyang Tao na tumatakbo palabas ng Hospital at kumabog ang dibdib niya ng malakas..
LISA: Jennie?.............. JENNIE!!!.......
Agad naman tumakbo pababa si Lisa para habulin si Jennie... at patuloy ang sigaw ni Lisa ng pangalan ni Jennie. Hanggang sa makarating na siya sa labas ng Hospital..at nun din ay narinig ni Jennie ang sigaw ni Lisa.. kaya napatigil ito at humarap kay Lisa...
JENNIE: Lisa?! ( tumakbo ito papalapit kay Lisa at yumakap ng mahigpit )
LISA: Jennie akala ko hindi na kita makikita! ( umiiyak ngayon si Lisa habang yakap yakap niya si Jennie )
JENNIE: Sorry Lisa. Kung hindi ako nakapagpaalam at kung nasaktan kita.. patawarin mo ko...
LISA: Wag ka ng humingi ng Sorry Jennie.. Noon palang pinatawad na kita.. kaya wag kang magalala.. tsaka nandito kana ulit.. Masayang masaya na ko..
JENNIE: Promise ko sayo Lisa hindi na ulit kita iiwan...Sorry talaga !.
Hindi na nakasagot si Lisa sa sinabi ni Jennie.. at agad na niyang hinalikan si Jennie sa labi..yung halik na sobrang miss na miss nila ang isa't isa.....Sa kabila ng masaya nilang pagkikita ulit..Ay hindi alam ni Jennie na yung taong pumatay sa kanya ay nabalitaan na buhay pa din siya at nalaman na sa Hospital na yun siya nakaconfine kaya nandun ang taong pumatay sa kaniya sa loob ng Hospital at ngayon ay nakasilip ito sa room ni Jennie at nakatingin sa katawan niyang Coma...
UNKNOWN: Buhay ka pa pala.. ( sabay ngumisi ito )
Agad namang nagtago ang pumatay kay Jennie sa gilid dahil lumabas ang Mama at Papa ni Jennie sa room. Kaya mas lalo siyang napangiti sa pangyayari.. Nang makalayo ang Mama at Papa ni Jennie, ay pasimple siyang pumasok sa Room ni Jennie at tumayo sa gilid ng nakahigang katawan ni Jennie at parang demonyo kung makatitig sa katawan ni Jennie habang nakangisi ito..
UNKNOWN: Ngayon hindi ko na hahayaan mabuhay ka pa ulit.. Tatapusin na kita ngayon....
Sabay inalis niya ang tubo na nakalagay sa Bibig ni Jennie dahil dun lang kumukuha ng Oxygen si Jennie para patuloy ang paghinga nito..Pagkaalis niya ng tubo ay nun din nahirapan ng huminga ang katawan ni Jennie at nagsimula ng bumaba ng bumaba ang Heartbeat nito.. nakaalis na din sa Kwarto ang taong pumatay kay Jennie...at maya maya ay dumating na ang magulang ni Jennie na ikinagulat ang nakita.. mabilis silang tumawag ng Doctor para iligtas ang katawan ni jennnie.. at dali dali namang nagpuntahan ang lahat ng staff sa kwarto nito at pilit na nirerevive si Jennie, ngayon ay ang Killer na pumatay kay Jennie ay nakasilip ulit sa nagkakagulong tao sa loob ng kwarto at nakangiti ito...
UNKNOWN: Wala ka ng Ligtas ngayon Ms.Jennie Kim..... ( habang pinapanuod ang pagrerevive kay Jennie )
BINABASA MO ANG
(JENLISA ) The Stranger Ghost
FanfictionPaano kung magtagpo kayo sa hindi niyo alam ang dahilan kung bakit. At ang mahirap dun magkaiba ang inyong mundo at alam mong hindi kayo pwede magsama dahil isa siyang Multo. Ano ang gagawin mo? Iiwasan mo ba siya o hayaan nalang ang sariling mag mu...