( 3 Months Late )
Tatlong buwan na nga ang lumipas at naging maayos naman ang preparation ng kasal ni Lisa at Jennie... ngayon nga ay ang kaganapan ng pinakamasayang pangyayari sa buong buhay nila matagal din nila itong hinintay kaya ito na ang Araw na yun..
CHAENG: Lisa, Okay lang ba? Halatang kinakabahan ka ee..
LISA: ( huminga ng malalim ) Oo Senior, Ready na ko.. matagal namin itong hinintay ni Jennie. Kinakabahan lang ako kasi hindi ko alam ang magiging reaction ko pag nakita ko na talaga si Jennie. ( nakatingin ito sa salamin habang inaayusan ng make up artist )
Hinawakan ni Chaeng ang Balikat ni Lisa..
CHAENG: Wag ka ng kabahan Lisa.. Ang isipin mo nalang ay pagkatapos nitong araw na ito hinding hindi na talaga kayo mapaghihiwalay ni Jennie habang buhay... maswerte si Jennie sayo lisa..
LISA: Salamat Senior, maswerte din naman ako kay Jennie Senior pati din naman sa inyo maswerte ako na naging kaibigan ko kay ni Senior Jisoo.. Maraming Salamat ulit Senior..
CHAENG: Ano ka ba Lisa, basta para sayo gagawin din naman namin ni Jisoo ang lahat kasi Special ka na samin at kaibigan ka namin..
LISA: Salamat talaga Senior..( masayang nakatingin si Lisa kay Chaeng sa may salamin ) ah nasaan pala si Senior Jisoo?
CHAENG: Wag ka nang magalala dun, mamaya mo na yun makikita sa Garden Wedding niyo na..
LISA: Ah bakit po Senior?..
CHAENG: Pinapunta ko kasi siya dun kay Jennie para kamustahin niya si Jennie dun.. Kakatext lang niya sakin kanina na Okay naman daw si Jennie doon..
LISA: Ahh ganun po ba Senior? Kinakabahan tuloy ako ulit..malapit na magstart yung Wedding ee..
CHAENG: Wag ka ng kabahan Lisa.. Happy Vibes lang dapat tayo, okay?..( sabay ngiti kay Lisa )
Ngumiti din naman agad si Lisa pabalik kay Chaeng sabay tumango ito...
Hindi din nagtagal ay tinawag na si Lisa At chaeng para lumabas na, dahil nga kailangan mauna si Lisa sa Altar para doon niya sasalubungin si Jennie. Nandun na din lahat ng kaibigan nila Lisa at iba pang mga kamag anak nila Jennie, syempre hindi mawawala ang Uncle ni Lisa na laging sumusuporta sa kanya.. pagkalabas ni Lisa ay mas kinabahan siya dahil sa dami nang taong nakikita niya pumwesto na siya at si Chaeng sa may Hintayan nila.. at Biglang tumunog ang ( The Reason )
A:Suggest ko po patugtugin niyo po ang The Reason Version of Calum Scott, yan ang tugtog sa kasal nila ni Jennie... pakinggan niyo po habang binabasa ang kasunod..
Nagsimula na nga ang pagpasok ng mga abay.. makikita mo ang kaba at saya sa mukha ni Lisa habang pinagmamasdan ang mga Bata na nagsasaboy ng mga bulaklak habang naglalakad sa gitna ng aisle, kasunod na nga pumasok ang mga abay na kaibigan ni Jennie at Lisa.. masaya silang pumasok at tumitingin sila kay Lisa na ngayon ay pinipigilan ang pagiyak, hinawakan naman agad ni Chaeng ang Balikat ni Lisa dahilan ng paglingon ni Lisa sa kanya, sinabi naman ni Chaeng na wag na magalala at baka makita siya ni Jennie na ganun ang mukha niya. Kaya agad namang ngumiti si Lisa at bumalik ang tingin sa mga kaibigan na naglalakad sa Aisle, pumasok na din ang mga tito at tita ni Jennie at naglakad na din sila sa Aisle kasunod ang Uncle ni Lisa na masayang nakatingin sa kanya.. Sobrang saya ni Lisa habang pinapanuod ang mga taong nagmamahal sa kanila ni Jennie...napaayos naman agad si Lisa nang tayo nang makita niya ang isang babae na nakataklob nang belo niyang pangkasal kasama ang Mama at Papa nito.. papasok na sila at maglalakad na sa aisle, dahil ihahatid na nila si Jennie kay Lisa.. habang pinagmamasdan ni Lisa ang babaeng naglalakad kasama ang parents niya ay hindi na niya mapigilan ang luha niya.. umagos na nga ng tuluyan ang luha niya at hindi na niya to mapigil.. lalong bumubuhos ang luha niya nang papalapit ng papalapit na si Jennie sa kanya.. dahil nga sa matagal na din hinihintay ni Lisa na dumating ang araw na to kaya hindi niya na mapigilan ang pagiyak niya hanggang sa nakalapit na sila kay Lisa at nakipagshake hands na si Lisa sa Papa ni Jennie yumakap naman siya sa Mama ni Jennie at inabot na niya ang kamay ni Jennie..
JENNIE: Wag ka ng umiyak diyan, napapaiyak na din tuloy ako.. masasayang make up mo... ( sabay pinunasan ni jennie ang luha ni Lisa )
LISA: Sorry Jennie, hindi ko lang talaga mapigilan yung saya ko. Lalo na nung nakita na kitang naglalakad sa Aisle. Kung panaginip man to sana hindi na ko magising..
JENNIE: Hindi ka nananaginip Lisa, tunay to.. at ikakasal na tayong dalawa .kaya wag ka nang umiyak Love...
Ngumiti naman agad si Lisa at tsaka inalalayan si Jennie papunta sa May Altar...
Naging Madrama at katatawanan ang naging kasalan ni Jennie at Lisa dahil nga sa mga Messages nila sa isat isa hindi na din napigilan ni Jennie na umiyak dahil sa mahabang message ni Lisa sa kanya.. At Yes Finally! MRS.MANOBAN na nga si Jennie! CONGRATULATIONS Kay Lisa at Jennie!.....pagkatapos ng Kasal nila ay Masaya na silang lahat na pumunta sa Reception Area ng Kasal, Masayang Kumain at may pa Hosting pa ng Konti ang MC , Nagsayaw na nga ang dalawang bagong kasal at Naginum na ang lahat for the celebration...
BINABASA MO ANG
(JENLISA ) The Stranger Ghost
FanficPaano kung magtagpo kayo sa hindi niyo alam ang dahilan kung bakit. At ang mahirap dun magkaiba ang inyong mundo at alam mong hindi kayo pwede magsama dahil isa siyang Multo. Ano ang gagawin mo? Iiwasan mo ba siya o hayaan nalang ang sariling mag mu...