Bakit ganun?
Kahit ang sakit-sakit na, sige ka pa rin.
Kahit alam mong talo ka, lumalaban ka pa rin.
Kahit alam mong walang-wala na, hindi ka pa rin sumusuko.
Kahit nadadapa ka na, bumabangon ka pa rin.
Kahit alam mong wala ka ng pag-asa, umaasa ka pa rin.
Tanga lang?
Pero, ganun naman talaga diba?
Nagpapakatanga tayo sa isang bagay na gustong-gusto natin.
Sa isang bagay na ayaw nating mawala sa atin.
Minsan din, lumalaban tayo dahil ayaw nating may masaktan, sa oras na sumuko tayo.
Minsan, tinitiis na lang natin yung sakit kasi sa tingin natin, okay lang na tayo ang masaktan at magdusa, huwag lang yung mga mahal natin sa buhay.
Pero ang tanong...
Hanggang saan ang kaya natin?
Hanggang kailan tayo lalaban?
Hanggang saan ang kaya nating masikmura?
Hanggang kailan tayo masasaktan?
Hanggang kailan tayo magbubulag-bulag sa sakit at pait na dapat sana ay saya ang maramdaman natin sa taong mahal natin?
-byunmarbaek-
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :