CHAPTER 16

4.4K 164 89
                                    

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

Tongono! Inaantok pa ako! Huhuhu.

Kahit inaantok pa ay pinilit kong magmulat at tiningnan ang orasan. It's 6:35 am pa! Huhuhu. Sino ba kasi 'tong tumatawag eh!

Kinapa ko ang cellphone ko at nakapikit na sinagot 'yun. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang caller.

"F-Faye..." Nanginginig na boses ni Michael ang bumungad sa akin.

Bigla naman akong kinabahan kaya parang magic na nawala ang antok ko at napabangon na ako ng tuluyan.

"Bakit, Michael?" Kinakabahang tanong.

"K-kasi ano, s-si Sam, Faye. Tangina..." Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin niya dahil halata sa boses niya ang pagkataranta.

"A-anong nangyari kay Sam? Kumalma ka muna, Michael at sabihin mo kung anong nangyayari." Kahit ako ay kinakabahan.

"K-kasi, nasa... nasa hospital k-kami ngayon..."

"Tapos?" Pathrilling naman 'tong ugok na 'tp oh!

"N-nasa hospital kami d-dahil naglalabor na s-si Sam..." Nakahinga ako nang maluwag.

Akala ko kung ano na.

"Hahahaha!" Natawa talaga ako kay Michael. "Michael, natural na maglalabor siya kasi manganganak na siya."

"F-faye...p--pwede bang pumunta ka d-dito? Tangina. W-wala akong alam dito...h-hindi ako m-mapakali Faye...Tangina talaga!" Huminga siya nang malalim."Isa pang tangina!"

"Hahaha. O sige. Relax ka lang diyan at damayan mo muna si Sam sa sakit. Papunta na ako dyan."

"S-salamat, Faye! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko! Hindi ko k-kayang nakikita ang asawa kong nahihirapan."

"O sige na..."

Tinapos ko na ang tawag at nagmadali nang maligo at magbihis.

Ang cute talaga ni Michael.

Nang matapos akong maligo at magkapagbihis ay lumabas na ako sa guestroom na tinutuluyan ko.

It's been a month since our 1st Wedding Anniversary. Simula nang malaman ni Howell na buntis si Mia ay para na siyang linta kung makadikit dito. Ayaw niyang pinapakilos si Mia at halos ayaw na pagalawin. Hahaha. Salungat sa akin. Sa oras na nahihirapan si Mia ay ako ang pinapagawa ni Howell sa mga bagay para hindi na mahirapan ang babaeng mahal niya. Simula din nang malaman ni Howell na buntis si Mia ay dito na niya ito pinatira. Pinalipat na din niya ako sa guestroom at ang lahat ng mga gamit ko.

Sa totoo lang, feeling ko para lang akong katulong dito. Ako pa rin ang tagaluto at tagalinis ng bahay, pero iba na ngayon. Kasi dalawa na ang pinagsisilbihan ko. Para ngang ako pa 'yung walang lugar dito eh.

Palagi ding nag-aabsent si Howell para kay Mia o di kaya'y isinasama niya si Mia sa opisina niya na kailanman ay hindi niya nagawa para sa akin.

Hahaha. Oo nga naman. Bakit niya naman gagawin 'yun sa akin? Eh hindi naman ako ang babaeng mahal niya. Hindi naman ako ang taong gusto niyang makasama.

Naglakad lang ako palabas ng village. 8 months na ang tiyan ko. Malapit ko nang masilayan ang mga anghel ko. Sa kanila na lang ako kumukuha ng lakas ng loob para lumaban sa buhay.

Nang makarating sa labas ay sumakay na ako sa isa sa mga taxi at nagpahatid sa hospital nila Sam.

Nangmakarating na ako ay wala na akong sinayang na oras at dali-dali akong nagbayad sa driver ng taxi at mabilis na pumasok sa loob ng hospital.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now