CHAPTER 28

4.2K 146 48
                                    

"P-pero bakit, ate?"

Unang tanong ko nang makabawi ako. Sandali pa kasi akong natulala nang dahil sa mga narinig at nalaman ko.

"Bakit, ate?" Ulit kong tanong.

"Bakit ako nagsinungaling sa 'yo? Bakit namin tinago ang totoo sayo?"

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi. Pero hindi ko iyon pinansin at tumango na lang ako.

"Kasi nasasaktan ka na." Sagot ni ate.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay naluluha na siya.

"Kasi sa tingin namin, 'Tama na. Awat na, Faye.' Sa tingin namin, sapat na ang mga pasakit na ibinigay ng asawa mo sayo. BAKIT?! Kasi sa tingin namin, unti-unti mo nang kinakalimutan ang sarili mo dahil sa LINTIK na pagmamahal na 'yan! Pagmamahal na kailanman ay hindi NASUKLIAN at SINUKLIAN ng hayop mong asawa! Hindi niya nasuklian ang pagmamahal mo, Faye! Pero sana kahit katiting na respeto man lang sayo ay pinagbigyan ka niya. Pero PUTANGINA, FAYE! Kahit respeto ay ipinagkait niya sayo! Sa inyo ng mga anak mo!"

"S-Sam... T-tama na." Naiiyak na sabi ni Tita Kathrina.

Naiiyak lang akong nakatingin kay ate habang nagsasalita siya.

At bawat salita na sinasabi niya ay alam kong puro katotohanan ang mga iyon.

At ang sakit-sakit isipin na lahat iyon totoo. Ibig sabihin ay lang nun ay sinasaktan talaga ako ng asawa ko noon. Hindi lang pisikal, pero pati na rin emosyonal na sakit.

"H-hindi, mom eh!" Iniwaksi ni ate ang kamay ni tita at tumingin ulit sa akin. "Iniwan ka ng asawa mo, Faye. Pinagpalit ka na niya sa anaconda mong kaibigan. Kung kaibigan nga ba ang matatawag doon? Eh animal 'yon eh."

Tahimik lang akong umiiyak habang pinoproseso ang mga nalaman ngayon-ngayon lang.

Tangina, ang sakit. Sobrang sakit.

"Ngayon, sabihin mo sa amin, Faye. Dapat ba pinaalala namin ang sakit, dapat ba sinabi namin ang totoo noong unang beses na nagtanong ka tungkol sa hayop na 'yon?"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pag-iyak.

Naramdaman kong may lumapit sa akin at hinaplos ang ulo ko. Nang angat ako ng tingin doon at nakita ko sa papa na naluluha habang nakatingin sa akin.

"S-sorry, anak. Patawarin m-mo si papa."

"B-bakit, p-papa?"

"K-kasi, hinayaan kitang m-makasal sa lalaking iyon. Nang h-hindi man lang kinilatis ng maayos. H-hinayaan kitang makasal kapalit ng tulong na i-ibinibigay n-niya sa amin, anak. P-patawad, anak." Aniya.

Marahas akong umiling. Pinaparating na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya.

"P-papa. W-wala po kayong kasalanan. K-kahit po h-hindi pa tuluyang bumabalik ang ala-ala ko, a-alam ko pong g-ginusto ko ding ang magpakasal s-sa kanya. W-wala po kayong kasalanan. W-wala po." My voice croaked.

Hindi ko pa man maalala ng maayos ang mga nangyari noon, pero ramdam ko na ang sakit. Ramdam ko na ang kirot at sakit.

Ano pa kaya pagbumalik na ang mga alaala ko?

Ano pa kaya pag naalala ko na ang lahat mula umpisa hanggang sa mawala ang memorya ko?

At bakit nga ba at paano nawala ang mga memorya ko? Ganun na ba talaga ito kasakit at kasama para mismong utak ko na ang bumaon sa limot para hindi ko na maalala? Para mailayo na ako sa sakit?

Pero kahit anong gawing paglalayo nila sa akin sa sakit. Ang sakit naman ang siyang lumalapit sa akin.

Natahimik kami nang may biglang kumatok sa pinto. At pumasok doon si Michael na nakangiting karga ang anak niya. Bahagya pang nangunot ang noo niya nang makita kaming lumuluha. Kaya naman dali-dali at kanya-kanya kami ng punas ng luha at ayos ng sarili.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now