CHAPTER 24

4.7K 146 49
                                    

"F-Faye?" Tawag sa akin ni Howell sa tabi.

"Oh?"

Dalawang linggo na simula nung mag-confess ako sa kanya at sa dalawang linggo na 'yun ay ang awkward namin. Hindi ko alam kung anong nakain niya kahapon at umasta siya na parang walang nangyari at siya pa mismo ang unang kumausap at lumapit sa akin.

Nasa soccer field kami ngayon sa may gilid, sa ilalim ng malaking puno. Ang taray noh?

Kami lang dalawa ang magkasama ngayon dahil wala kaming klase sa unang subject kung saan kami magkaklase.

Ang iba naming kaibigan ay pumasok sa mga kani-kaniyang mga klase.

"F-Faye..."

"Oh?" Medyo inis kong tugon.

Kanina pa ito tawag ng tawag sa akin. Pag-sinasagot ko naman siya ay hindi naman nagsasalita. Diba? Parang tanga lang?

"Faye..."

"Ano ba?!" Tuluyan ko na siyang hinarapan dahil sa sobrang inis niya.

Medyo nanlaki pa ang mga mata niya na parang hindi inaasahan ang pagtaas ng boses ko sa kanya.

"Ano?! Huh?! Kanina pa ako naiinis sayo! Kanina ka pa tawag ng tawag sa akin! Putakte naman oh! Magsalita ka!"

Napayuko siyang ngumuso. Naku! Ayan na naman siya! Bipolar talaga ang isang 'to.

"Naku! Huwag mo 'kong magaganyan, Howell! Naiinis ako!"

"G-gusto ko lang sanang itanong..."

"Ano?! Itanong mo na! Kanina ka pa tawag ng tawag sa pangalan ko! Wala ka namang sinasabi!"

"M-may nagugustuhan ka ba?"

Napanganga ako sa tinanong niya.

Putangina! Ang sarap iuntog ng ugok na 'to sa pader! Pero huwag na lang. Sayang ang feslak.

Pagkatapos kong umiyak at magtapat sa nararamdaman ko sa kanya? Sa dalawang linggo naming pagiging awkward dalawa dahil sa ginawa kong pagko-confess sa kanya? Tapos ngayon tatanungin niya ako kung may nagugustuhan ba ako?

SOMEDAYWhere stories live. Discover now