Nang matapos kaming kumain ay nagyaya nang umalis si Yuki dahil may aasikasuhin pa daw siyang mga trabaho na hindi natapos. Babalik naman daw sila pag nagkalugar na sila at hindi na masyadong busy sa trabaho.
"Tita-Ninang, pagbalik niyo po buy me chocoweyts, okay?" Demand ni baby Caleena.
"Me too din!" Ani naman ni Agapov.
Humalik na ang dalawa kina Hibben at Yuki.
"Okay, babies." Tumingin si Yuki sa tatlo kong anak na nasa gilid lang. "Kayo, babies? Wala ba kayong ipapabili sa pagbalik namin?"
Lumapit lang ang tatlo kina Hibben at Yuki at nagbeso na.
"We want chocoweyts din, Tita-Ninang. And when do you gonna have a baby?" Tanong ni Ashford na nagpalaki ng mga mata namin.
Humagikhik lang si Ate sa gilid. Inakbayan naman ni Hibben ang asawa at kinindatan.
"Sweetheart, nanghihingi na sila ng baby. Kailan tayo gagawa?" Hibben playfully said to his wife.
Siniko naman siya agad ni Yuki. "Tumigil ka nga, Hibben. Kita na ngang halos wala na tayong oras sa isa't-isa, tapos gusto mo pang magkababy. Eh hindi pa nga nagigising--" Yuki paused like she said something she shouldn't to say. "Ay basta!" Pagtatapos niya ng sasabihin.
Weird.
"Ang sabihin mo, tukmol. Baog ka! Hahahaha!" Eto na naman po ang kapatid ko. Nag-uumpisa na naman po ng gulo.
"Hoy! That's foul! Wala lang talaga kaming time ng sweetheart ko!" Pagtatanggol naman ni Hibben sa sarili.
"Nye, nye, nye..."
Napailing nalang ako sa kanila.
"Sigena! Alis na kami!" Paalam nina Yuki bago lumabas ng condominium.
Nang makaalis na sila ay agad naman tumakbo papuntang playground ang mga bata dahil maglalaro daw sila kasama ang mga nanny nila.
Pumunta naman si ate sa itaas dahil matutulog daw siya. Ako naman ay lalabas dahil nagpapabili nga pala ng ice cream si Agapov kanina. Nakalimutan ko lang.
Nagpaalam muna ako sa kanila bago ako lumabas. May maliit na convenience store malapit lang dito sa amin kaya naman ay nilakad ko na lang.
Nang makarating sa convenience store ay agad naman akong kumuha ng mga kailangan at nagpunta na sa casher para magbayad.
Nang akmang kukuhanin ko na ang pitaka ko sa wallet ko ay...PUTAKTE! ANG TANGA! WALA NGA PALA AKONG DALANG PERA! HUHUHU. ANG TANGA NAMAN EH.
"It's eight dollars, all in all ma'am." Sabi ng casher.
Huhuhu. Nakakahiya. Parang maiiyak na ako sa hiya dahil kahit anong kapa ko sa bulsa ko ay wala talaga akong makapang pera.
"Uhm--" Nabitin sa ere ang sasabihin ko dapat nang may mag-abot ng card sa kanya.
"Charge hers with mine." Ani ng lalaki sa likod ko.
"Okay, sir." Ani ng casher at inasikaso na ang mga pinamili ko at nung sa lalaki na nagbayad para sa akin.
Nang lumingon ako sa kanya ay matangkad at gwapo ang bumungad na mukha sa akin.
Ay, malande lang, Faye?
"T-thank you." Nahihiyang pasasalamat ko. "Don't worry, I'll pay you. I just...uhm..forgot my wallet at our condominium."
"No worries, Miss." Napakunot ang noo niya habang tinitingnan ako. Medyo nailang pa ako sa uri ng tingin niya. "Have we meet before? You look familiar to me." Aniya.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Novela Juvenil[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :