CHAPTER 75

1.8K 84 27
                                    

Dahil sa pagkabitin ay natulog lang ako buong byahe. Ni hindi ko nga alam kung saan kami dinala ng lalaking 'yun. Basta nagising nalang ako nang maramdaman kong hindi gumagalaw ang sasakyan namin at pagkatingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan ay puro kulay berde ang nakikita ko.

It's like a wide open space na maliliit na grasses at kaunting mga puno lang ang natatanaw ko mula sa loob ng sasakyan. Nakahinto ang sasakyan sa harap ng isang Spanish-Style mansion na may dalawang palapag. Wala akong makitang gate, but I think hindi naman kailangan kasi malawak ang paligid at nasa gitna talaga ng malawak na lupain na ito ang bahay. It seems that this place is really made for a specific person.

"We're here." Howell announced while unbuckling his seatbelt.

"Woah! It's so refreshing here, pappy! Greens are everywhere!" Agapov exclaimed.

"Where are we?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong huwag magtanong kung nasaan kami.

I'm just a little bit confused why would he brought us here because obviously, this place is far from the City. But I would admit that this place is really refreshing. Away from pollution, away from traffics and away from civilization.

"Hasher's farm." He simply replied.

"Sino naman 'yun?" I asked again.

Nagkibit-balikat lang siya. "Someone I know. Let's go inside." At nauna na siyang lumabas at pinagbuksan ang mga bata sa likod.

I also unbuckled my seatbelt at lumabas na rin ng sasakyan. The moment I stepped my feet out of the car, sinalubong ako ng malamig at malinis na hangin na nagpangiti sa akin.

This place is just so perfect for this vacation and relaxing.

"I like it here, dad! I wanna live here!" Nagtatatakbo sina Ashford at Agapov sa damuhan at kumukuha ng mga litrato sa paligid.

"You wanna live here?"

"Yup! Ang linis po ng enviwonment and also the aiw is so fwesh hindi katulad ng sa may atin. Pollution is evewywhere and it's bad for ouw health po!" Nakangusong sabi ni Agapov.

Napangiti si Howell dahil sa sinabi ng anak. "We can come here everytime you want, kids."

"Can't we just live here, pappy?"

Napatingin ako kay Howell dahil sa tanong na 'yun ni Agapov at nagulat ako nang tumingin din siya sa akin.

"Ask your mommy." He said without leaving my eyes.

Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya sa hindi ko malaman na dahilan. Kaya ako nalang ang unang nagbawi ng tingin.

"Momma."

Tiningnan ko ang anak kong nasa harapan ko na ngayon na may nakikiusap na mga tingin. "Can't we just live here?"

Napakurap ako sandali dahil hindi ko alam ang isasagot ko. I want to say 'yes' but I don't wanted to give my children a false hope. Kasi alam kong hindi pwede ang gusto nila dahil wala dito ang buhay namin.

Kakadating pa nga lang namin dito ay ganito na agad ang ganap.

Ngumiti ako sa anak ko at inabot ang kanyang matambok na pisngi at bahagyang pinisil iyon. "Let's talk about it some other time, baby. For now, let's just enjoy this vacation. Okay?"

He nodded and smiled.

Pumasok na kami sa bahay or should I say mansyon. Si Howell na ang nagdala ng mga gamit naming lahat kaya nahuhuli siya sa amin sa pagpasok. Gusto ko sana siyang tulungan kaso ayaw naman niya at siya na daw ang bahala, kaya bahala talaga siya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now