Nang araw na yun ay tumulong ang lahat para sa party na magaganap kinabukasan ng gabi.
Tumulong din ako kahit konti at simula nang usapan naming tatlo nina tita Kathrina at Sam kaninang umaga ay hindi na ako nilubayan ng kapatid ko sa pangungulit.
Kanina niya pa ako niyayayang magtiktok daw kami, pero hindi naman ako marunong nun kaya tudo tanggi ako sa kanya. Kaya naman simangot lang siya ng simangot hanggang sa napagtripan niya si Michael na tahimik na nagbubuhat ng mga upuan.
Nirecord niya ang sarili hanggang sa dumaan si Michael at walang sabing sinakmal niya yung 'ano' ni Michael.
Saksi ako sa literal na panlalaki ni Michael at nakita ko ang bukol sa gitna niya. Hahaha. Pinatigas lang talaga ni Sam ang 'ano' ng asawa at nang akmang lalapitan na siya ni Michael para mahalikan ay tumakbo ang kapatid ko na tawa ng tawa dala ang cellphone.
Natawa talaga ako habang pinapanood sila.
Nasa mga pinsan kasi namin si baby Caleena.
Oo. Pinsan namin. Nalaman ko kasing, anak sila ng mga pinsan ni mama at tita Kathrina.
Napag-alaman ko ding alam na nila ang tungkol sa akin na anak din ako ni Mama Katarina pero hindi nila alam ang buong istorya at may kapatid din ako.
Gusto na nga nilang makita si Fykes, ang bunso naming kapatid ni Sam.
Pero siguro tsaka na pag medyo maayos na ang sitwasyon. Dadahan-dahanin ko na muna para naman hindi sila mabigla.
At isa pa ay may problema pa ako sa asawa ko. I mean...ex husband ko. Nasabi sa akin ni Michael na naipasa na ang mga papeles namin dahil pinirmahan na ni Howell ang mga papeles, at inaasikaso na 'to sa korte.
Hindi ko maiwasang masaktan sa katotohanang, hindi talaga siya nagdalawang-isip na pirmahan ang divorce namin. Sabagay, bakit pa ba ako aasa na may magbabago sa amin? Magkakapamilya na sila ng babaeng mahal niya at ang babaeng gusto niyang makasama sa buong buhay niya.
Sana lang ay maging masaya sila. Dahil isa iyon sa rason na bumitaw na ako at nagpaubaya. Dahil gusto ko siyang maging masaya kasama ay mga taong gusto niyang makasama at hindi ang taong napipilitan lang siyang pakisamahan.
Hahayaan ko na siya. Papakawala ko na ang puso ko sa kanya. Mahirap. Oo. Pero alam kong magagawa ko din naman kalaunan diba?
Ang gusto ko na munang gawin ngayon ay ang ayusin ang sarili ko. Ang ihanda ang sarili ko para sa paglabas ng mga anak ko. Ang mabuo ang nawasak na ako.
Gusto ko ding mag-focus muna sa pamilya ko lalo na't ngayon ay natagpuan at nakilala ko na ang pamilya ng mama ko.
At bago pa mawala sa isip ko ay nakalimutan kong itanong kina tita at Sam kung saan ko makikita si mama. Gusto ko siyang makita. Gusto kong magpasalamat sa pagbigay ng buhay ko. Na kahit hindi kagandahan ay maituturing kong pinakamagandang regalo na natanggap ko. Ang mamulat sa mundo at maranasang magmahal, maging masaya, malungkot, naranasang masaktan at mawasak.
Pero kahit ganun ang buhay na ibinigay sa akin ay nagpapasalamat ako ng sobra. Sobra-sobra na.
Ang i-ire pa lang ako ng mama ko ay napakalaking bagay na nun. Ang paghihirap niya at paghahabol sa sariling hininga pala lang mailabas ako ng maayos, kami ng mga kapatid ko ng maayos ay napakalaking bagay na para ipagpasalamat.
Siguro, tatanungin ko na lang si tita o di kaya'y si Sam pagnagkaroon na ako ng oras.
Masyado kasing busy ang lahat sa paghahanda ng party na gaganapin bukas ng gabi.
May mga event organizers naman pero pinili pa rin naming tumulong sa mga gawain.
Nag-aayos ako ng mga bulaklak sa mga vase. Kulay white at red roses ang mga bulaklak na inilalagay at ini-aarrange ko sa vase.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Fiksi Remaja[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :