It's been two days since me and Howell met.
Sabi niya ay siya na daw mismo ang pupunta sa bahay pagkatapos ng three days na hiniling ko sa kanya na palugit para masabi ko kina papa at Fykes tungkol sa pagpapakasal naming dalawa. Pupunta daw siya dito pagtapos ng palugit na 'yun kasama ng parents niya para makausap sina papa. At bukas na 'yun! Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kina papa ang tungkol sa kasal!
Wahhh! Eh kasi naman eh! Hindi ako makahanap ng tamang tyempo. Pero dapat ko na talagang sabihin ngayon dahil bukas na ang deadline ng palugit na ibinigay sa akin ni Howell. Huhuhu.
Bagsak balikat akong lumabas ng kwarto at hinanap si papa at Fykes.
Nakita ko si Fykes sa sala nanonood ng TV. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Sinulyap niya lang ako saglit pero ibinalik din kalaunan ang tingin sa screen ng TV.
"Oh, ate. Akala ko tulog ka pa." Sabi niya.
Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si papa, pero hindi ko siya makita kaya naman napatingin ako kay Fykes.
"Fykes, asaan si papa?" Tanong ko sa kanya.
"Lumabas lang sandali para humili ng ulam natin." Aniya na nasa TV parin ang paningin.
"Ah, ganun ba. Hehehe." Siguro, hihintayin ko na lang si papa para masabi ko na sa kanilang dalawa ang gusto kong sabihin.
Nakinood na lang din ako ng TV habang hinihintay na dumating si papa.
Makalipas ng mga five o ten minutes ata ay dumating na din si papa.
"Gutom na ba kayo, Faye? Eto oh, bumili ako ng bagoong. Iyan na lang ang ulam natin. Fykes, bumili ka na din ng hilaw na kamatis para ilagay dito, mas masarap iyon."
Habang pinapanood ko si papa na nilalagay ang bagoong sa platito para uulamin namin ay naiiyak ako. Naiiyak ako dahil dapat masarap na pagkain na ang kinakain namin dahil nakapagtapos na ako ng pag-aral. Pakiramdam ko ay wala akong silbi.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :