CHAPTER 5

4.8K 164 39
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na sa tingin ko ay dalawang lalaki.

"Hindi po dapat naistress si Misis dahil buntis po siya at makakasama ang stress at pagod sa kanila ng ipinagbubuntis niya." Ani ng isang boses lalaki.

"What do you want me to fucking do?" Howell hissed.

"Kailangan lang po ng dobleng ingat at dobleng pag-aalaga sa kanya. Lalo na't mabigat ang mga anak niyo."

"Mga? What do you mean?" Mahinang tanong ni Howell.

"Hindi niyo po ba alam? Quadruplets ang dinadala ni Misis, kaya naman kahit six months palang ang tiyan niya ay mas malaki na ito sa normal size ng buntis."

"Q-qua--d-druplets?" Nauutal na kompirma ni Howell.

Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Kaya naman natulog na lang ulit ako. Medyo napagod kasi ako.

Nagising ako na parang may mabigat na bagay sa noo ko. Medyo maaliwalas na ang pakiramdam ko kumpara sa nakaraan.

Dahan-dahan akong umupo at may nahulog na maliit na tuwalya galing sa noo ko. Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong basin na may tubig.

Inalagaan ako ni Howell? Kyaahh! Hehehe. Sabi nang panaginip lang iyong sinampal niya ako eh. Hehehe. Hindi niya kayang gawin iyon lalo na't alam niyang buntis ako. Hehehe.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Howell na may tray na dala at parang may bowl. Medyo nagulat pa siya ng makita akong nakaupo na, pero napalitan naman agad iyon ng malamig na titig.

"You're awake." He coldly said.

"Oo. Medyo magaan na din ang pakiramdam ko."

"Eat this." Aniya sabay lapag sa tray na may lugaw sa side table.

"I-ikaw ang nagluto niyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes. Ubusin mo iyan kahit na walang lasa." At umupo na siya sa gilid ng kama.

"T-thank you! Hehehe. Sigurado nang masarap iyan, basta ikaw ang nagluto!" Naiiyak kong sabi at nag-umpisa ng kumain.

"Tss."

Medyo walang lasa pero siguro dahil lang ito sa may sakit ako. Hehehe. Nag-effort ang asawa ko! Ito na ang pinakamasarap na lugaw na nakain ko ngayong taon! Lutong asawa!

Napaigik ako ng bigla na namang sumipa sa may bandang puson ko.

"Are you okay? What's wrong?" Tanong ni Howell na may pag-aalala.

Naiiyak ako. Simula ng maging asawa kami, ngayon niya lang ako tinanong kung okay lang ba ako. Ngayon lang siya nag-alala sa akin.

"S-sumisipa."

"W-where? Does it hurts?" Medyo taranta niyang sabi at hindi alam kung hahawakan ba ako o hindi.

"Medyo masakit..." Kinuha ko ang kanyang kamay at dinala kung saan may simisipa.

Medyo napatalon pa siya sa ginawa ko pero sandali lang iyon. Naging maamo ang mukha niya ng may mga sumipa sa bandang hinawakan niya.

Napahagikhik ako sa mga reaksyon ng mga anak ko.

"Hehehe. Si daddy yan, babies." Ani ko na naiiyak.

Tahimik lang si Howell habang nakatingin sa tiyan ko at dinadama ang mga anak.

"Ah... Hehehe. Tama na iyan mga babies. Medyo masakit na ang tummy ni mommy." Ani ko at binitawan na ang kamay ni Howell. Pero nagulat ako dahil hindi niya pa rin inaalis iyon doon. Bagkus ay marahan niya pang hinaplos iyon.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now