CHAPTER 73

2.1K 96 7
                                    

"A B C D E F G H I J K L M N..."

"The wheel on the bus go round and round..."

"Head, shoulders, knees, and toes..."

Napapahilot nalang ako sa sintido ko dahil kumakanta ang magkakakambal ng sabay-sabay na halos hindi na maintindihan kung anong kinakanta nila dahil sa gulo at ingay nila. Except si Aphelion na kasing sungit nung Science Teacher namin noon. Parang nag-e-emote na naman ang pangalawa kong panganay. Kala mo nagshoshooting ng Music Video dahil nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse habang nakasalampak ang headphone sa tenga at tahimik lang. Si Nanny Emerald naman ay suport na suport at pumapalakpak pa habang kalong si Agapov at sumasabay pa kumanta. Habang itong demonyo sa gilid ko na nagmamaneho ay paminsan-minsang tumatawa at napapailing dahil sa mga anak sa backseats.

Pauwi na kami ngayon at nag-offer siya na ihatid kami. Tatanggi sana ako dahil alam kong hindi maganda na makita siya ng pamilya ko, lalo na ni ate. But Howell being Howell, he still insisted to drive us home. Hindi na din ako makatanggi dahil pati ang mga bata ay gustong ihatid kami ng ama nila.

Hindi pa nga kami bati at nagkakausap ni ate simula nung nag-away kami tungkol sa pakikipag-ugnayan ko na naman daw kay Howell.

Honestly, I don't know anymore. I don't if I'm doing this for my kids... or for myself.

Hindi ko na din maintindihan pati sarili ko. Wala na akong maintindihan. I'm just going with the flow of all of these. I don't know.

"Daan tayo sa drive-thru?"

Napatingin ako kay Howell nang kalabitin niya ako. "Huh?" Wala sa sarili kong sambit.

Nawawala na naman ako sa sarili ko.

"I asked, kung dadaan ba tayo sa drive-thru?" Tiningnan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Bakit?" Nalilito kong tanong.

He chuckled. "You're daydreaming again, Faye. Of course to buy foods for the kids. You know them, they love food. Anytime and anywhere."

"Huwag na. Gabi na, tapos na din tayong kumain at tsaka masama sa mga bata ang masyadong matatamis at oily. Sure akong ice cream o di kaya'y burger o french fries na naman ang oorderin ng mga yan."

"Let them, Faye. They're just a kids. Walang ibang gusto ang mga yan kundi ang kumain o di kaya ay maglaro. That is how kids nowadays."

"Still, don't spoil them too much. Baka masanay ang mga yan at umabot sa puntong hindi na sila mabubuhay na hindi umaasa sa atin. Hanggang bata palang sila, dapat alam na nila ang mali sa tama. Nang sa ganun paglaki nila, maimulat nila ang mga mata nila sa katotohanang lahat ng bagay ay pinaghihirapan."

"You're too strict, Faye." He coldly commented.

"It's not being strict, Howell. It's being practical and logical. As much as I wanted them to enjoy their childhood, at the same time I also wanted them to learn."

"Okay. Fine." Pagsuko niya sa usapan.

"Hindi sa lahat ng panahon, andito tayo para sa kanila. Mawawala tayo kahit kailan gustuhin ng Panginoon at wala na tayong magagawa doon. We don't know and no one knows when we are going to leave them in this cruel world, that's why ngayon palang kailangan nang matuto ng mga anak natin. Habang andito pa tayo."

Bumuntong-hininga siya at tumango. Hindi na rin siya nagsalita at ganun na rin ako hanggang sa dumating na kami sa harap ng building ng condominium namin.

Pagkaparada ni Howell ay bumaba na ako sa kotse at ganun rin ang mga bata. Si Howell ay lumabas din para kausapin at magkapagpaalam sa mga anak.

"Pappy, why don't you come in po muna?"

SOMEDAYWhere stories live. Discover now