CHAPTER 20

4.6K 146 45
                                    

"...and she's part of our family."

Natahimik kaming lahat doon at napatingin sa kay Sam na nangiti.

"A-ah. Ha. Ha. Ha! Ang i-ibig sabihin ni Sam ay, p-parte na si Faye ng pamilya dahil k-kaibigan siya ni Sam." Paglilinaw ng mommy ni Sam.

Kita ko ang pag-alma sa mukha ni Sam habang nakatingin sa mommy niya.

"M-mom..." Dinig kong mahinang sambit ni Sam.

Kita ko ang sekretong pagtititigan ng mag-ina. Parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga tingin nila sa isa't-isa na sila lang ang nakakaintindi.

Mukhang naramdaman nila na nakatingin ako sa kanila, kaya naman nag-iwas sila ng tingin. Ang mommy ni Sam ay itinuon ang atensyon sa kay baby Caleena na hawak ngayon ng mga pinsan ni Sam, at si Sam naman ay ngumiti sa akin.

"Halika na, Faye! P-punta na tayo doon sa pool! Magti-tiktok tayo!" Aya ni Sam sakin sabay hila sa akin paalis sa kumpol.

Ang weird ng mga kilos niya.

Pero hindi ko na lang iyon pinansin at nagpahila na sa kanya papunta sa loob ng bahay at paakyat sa itaas.

"Magbihis ka muna ng panligo, Faye. Ako naman ay magbibihis na din sa kwarto namin." Aniya at iginiya na ako sa isang pinto at pumasok na kami dun.

Nandoon na ang mga gamit ko sa kama.

Ipinalibot ko ang paningin sa silid.

Magarang silid siya. Krema ang kulay ng mga dingding, may sarili ding TV, sofa set, sariling CR, may veranda din, at walk in closet! Ang gara naman netong guestroom na 'to.

"Ang gagara ng guestrooms niyo." Hindi maiwasang puna ko.

"A-ah. Hehehe. H-hindi 'to guestroom, Faye." Sabi ni Sam.

Napalingon ako sa kanya.

Nakaupo siya sa sofa sa harap ng malaking TV, kaya naman ay lumapit ako sa kanya at naupo sa kanya.

"Naku. Bakit dito niyo pa 'ko pinatuloy? Pwede naman ako sa isa sa mga guestrooms niyo na lang."

Nahihiya na talaga ako sa kanila.

Ang bait nila sa akin. Sobrang bait talaga nila kagaya nang naririnig ko sa mga taong natulungan na nila.

"Faye, hindi ka pwede dun."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman ako hindi pwede dun?" Takang tanong ko sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin at lumunok.

"H-hindi ka n-na iba sa amin. I--I mean, kaibigan kita. Bisita ka namin a-at... at basta! Hahaha."

Alam kong awkward na tawa 'yun. At hindi ko din maintindihan kung bakit hindi ako pwede dun.

Kinuha ko ang kamay ni Sam, at napatingin siya dun bago mag-angat ng tingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Alam mo, Sam. Kahit na hindi niyo 'ko ilagay sa magarang kwarto, kahit sa guestroom niyo lang ako, ramdam ko na isa ako sa inyo. Na isa ako sa myembro ng pamilya niyo." Nag-iwas siya ng tingin sa akin, hindi ko alam kung bakit, pero nagpatuloy pa rin ako. "Simula nang makilala kita, naging magkaibigan tayo, tumira ako sa inyo ni Michael, hanggang dito. Hindi niyo ipinaramdam sa akin na iba ako sa inyo. Hindi niyo ipinaramdam sa akin na salat ako sa yaman. Bagkus ay ipinaramdam niyo sa akin ang importansya ko. Ipinaramdam niyo sa akin na, importante ako."

Napaiyak na naman ako sa isiping 'yun.

Naramdaman ko sa kanila na importante ako. Lalong-lalo na si Sam. Na kailangan kong lumaban, hindi lang para sa sarili ko kundi para na din sa mga anak ko.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now