Saktong pagdating ng oras ng pananghalian nagising ang mga bata.
Sa kwarto nila ako nagpahinga habang pinapalipas ang oras at nang sumapit ang oras ng pananghalian ay tinawag na kami ni Manang Elizabeth at saktong-sakto na kagigising lang din ng mga bata.
"Susunod na po kami, Manang. Bibihisan ko po muna ang mga bata kasi basang-basa na po 'yung damit nila sa pawis eh." Magalang kong sabi.
"Sige, hija. Andoon na din ang asawa mo sa hapag at hinihintay kayo. Dalian niyo at baka lumamig na ang mga pagkain. Hindi masarap ang pagkain kapag malamig na."
"Opo."
Nagpaalam na si Manang na mauuna na kaya naman dali-dali ko nang pinagbihis ang maliliit na mga lalaki.
"Momma, dapat po paweho po kami ng clothes ah para maganda po sa picture." Mahinang sabi ni Agapov habang kinukusot pa ng maliliit niyang mga kamay ang mga mata.
Nginitian ko sila at naghanap na ng mga damit nila na matchy-matchy 'kuno' dapat sila.
Ang napili kong damit na susuotin nila ay kulay denim blue na jumper na hanggang sa tuhod lang nila ang haba, plain yellow t-shirt para sa pang-ilalim at syempre ang white rubber shoes na suot nila. Dalawang foot wears lang ang pinadala ko sa kanila, 'yung tsinelas at 'yung suot-suot nilang white rubber shoes papunta dito para hindi na masyadong marami at mabigat ang dadalhin namin tutal tatlong araw at dalawang gabi lang naman kami dito.
"Oh, sigena maghubad na kayo at bibihisan na kayo ni mommy." Ani ko habang inililigpit ko ang mga damit nila na hindi pa naman gagamitin na nailabas ko sa mga maleta nila.
Mamaya ko na siguro 'to aayusin ang mga 'to tutal magbibihis din naman sila mamaya pag-uwi panigurado eh.
"Momma~~"
Nilingon ko ang mga anak ko at nakita ko silang nakasimangot habang parehong naka-indian sit sa ibabaw ng kama at nakatingin sa akin.
"Oh? Bakit ganyan ang mga mukha niyong apat?"
"Eh kasi naman po, mommy eh. Big boy na po kami kaya dapat kami na po ang nagbibihis sa sarili namin." Nakangusong sagot ni Alastair.
Napaismid ako sa sagot nila. Akala ko naman kung ano na. Lumapit ako sa kanila at umupo sa sahig kaharap sila. "Babies pa kaya kayo. Three years old pa nga lang kayo eh. At kahit pa lumaki na kayo, mga babies parin kayo ni mommy, okay?"
Mas sumimangot pa sila at napangiti ako sa ka-cute-an nila.
"Babies, makinig kayo kay mommy." Tahimik silang tumingin sa akin na tila naghihintay sa mga susunod kong sabihin. "Don't grow up so fast. And don't wish to grow up fast. Enjoy your childhood why you still can. Minsan lang maging bata mga anak. Mabilis na tumatakbo ang oras kung kaya dapat inienjoy niyo kung ano mang meron o kung ano kayo ngayon. Kasi kapag lumaki na kayo, hindi na kayo makakabalik sa pagkabata. Masyado pa kayong bata para maintindihan ang nais kong iparating sa inyo but for now, all I want you is to enjoy your childhood while you still can. Okay?"
"Opo." They all answered.
"Sigena, magbihis na kayo. Here." Ibinigay ko sa kanila ang mga gamit nila at mabilis silang pumasok sa bathroom. "Dalian niyo ah. Masamang pinaghihintay ang foods."
"Opo!"
Nang makapasok at maisara na nila ang pinto ng bathroom ay kumuha naman ako ng apat na face towel para sa likod nila. Paniguradong mamamawis na naman ang mga 'yun mamaya.
Ako naman ay bumalik sa kwarto ni Howell para kumuha din ng pamalit dahil nandoon ang mga gamit ko. Nakashorts lang ako, plain black shirt na hapit-hapit sa katawan ko at ang gray rubber shoes na ginamit ko papunta dito. Dalawang footwears lang din ang dala ko, tsinelas at ang suot-suot kong sapatos papunta dito. Nagdala din ako ng face towel para sa akin.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :