Kakatapos ko lang sa pag-aasikaso ng mga bata bago sila dalhin ng Tito Fykes nila para gumala. Hindi na ako sumama sa kanila kasi parang inaantok na naman ako. Ang aga ko kasing gumising dahil maaga din akong ginising ng mga chikiting ko.
At pagod na pagod na agad ako. Sumasakit ang likod ko. Idagdag pa 'tong bwesit na tao na 'to kung sino man siya. Kahapon ay puting rosas na iisa at card lang ang ipinadala niya. Ngayon naman ay dalawang pulang rosas with card na baby pink pa rin ang kulay katulad ng sa kahapon.
At alam niyo ba kung ano na naman ang nakalagay sa bwesit na card?
Dear Faye,
Do you miss me? Well, don't miss me too much. Because one day you will meet this someone. Soon.
Truly Yours,
Your Baby.Dumagdag pa ang antipatikong 'to sa mga iniisip at pinoproblema ko! Bwesit.
Hindi ko alam kung sino 'tong mysterious sender na 'to. Wala din akong ideya kung sino 'to. At dahil ako na naman ang nag-iisang tao dito sa bahay ay bored na bored na ako. Wala akong maisip gawin. Nalinis ko na ang buong bahay kahapon, diba? Kaya eto ako ngayon, wala nang maisip na gagawin.
Sabado ngayon at ang ganda ko. Chour.
Bored na bored na talaga ako dito!
Andito ako ngayon sa sala. Kakababa ko lang galing kwarto para ilagay iyong mga bulaklak sa vase ng kwarto ko at ang card naman isinama ko sa card na natanggap ko kahapon.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may pumipigil talaga sa akin na itapon ang mga padala ng kung sino mang hinayupak na nagpapadala sa akin ng bulaklak at sulat.
Napabalikwas ako sa galing sa pagkakahiga ko sa sofa nang biglang nag beep ang phone ko sa coffee table na kaharap ko. Hudyat na may natanggap akong mensahe galing sa kung sino man. Dali-dali ko iyong kinuha at tiningnan. Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Jake sa sender ng message. Pinindot ko iyon at binasa.
From: Jake
Hi, Faye! I would like to ask you if you made up your mind already about what I've asked last time? I know you said na tatawagan mo na lang ako pag nakapagdesisyon ka na. Kaso nangungulit na talaga kasi sina Clara eh. Medyo napipikon na din ako sa kanila. Hindi na daw kasi sila makapaghintay na makausap ka. Call me kung nabasa mo na 'to. Take care!
Sandali pang napakunot ang noo ko at inalala ang kung ano man ang pinagsasabi nitong si Jake. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang matandaan ang pag-uusap namin noong nagdaang araw. Tinanong niya nga pala ako kung papayag ba daw akong makipagkita sa kanila ng mga kaibigan ko noong college days.
Naaalala ko na sila. Ang kaso, natatakot ako. Natatakot ako na baka pagtawanan nila ako. Natatakot ako na baka pagnakita nila ako ay huhusgahan nila ang mga desisyun na nagawa ko noon... ang pagpapakatanga ko sa isang taong hindi naman karapat-dapat. Pero gusto kong makita sila. Matagal na akong walang balita ni isa sa kanila noong nasa Pilipinas pa ako noon. Idagdag pa na nagkaroon ako ng amnesia kaya namalimutan ko talaga sila. At sa haba ng panahon ay bumalik na din sila sa alaala ko.
Alam kong masasaktan ako pag tuluyan nang bumalik ang lahat ng mga alaala ko. Pero okay na 'yung masaktan na may alam at naaalala. Kaysa naman sa nasasaktan, na walang kaalam-alam kung bakit at kung paano. Mas masakit 'yun kasi nagmumukha kang tanga.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Jugendliteratur[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :