Nagising ako mula sa aking mahimbing na tulog nang makaramdam ako ng pagkaihi.
Ito ang isa sa mga kinaiinisan ko eh! 'Yung ang himbing na ng tulog mo o di kaya'y ang ganda na ng panaginip mo pero magigising ka lang nang dahil lang sa naiihi ka! Kainis!
Kahit labag sa loob ko'y bumangon ako at masakit pa rin ang katawan ko ay pupungas-pungas akong naglakad papunta sa banyo. Alangan namang tiisin ko 'yung pantog ko, diba? Edi nagkasakit pa ako. Ang hirap kayang magkasakit.
Kahit sa pag-ihi at pagflash ng inidoro ay nakapikit pa rin ako dahil sa antok. Nang matapos ay dali-dali na akong lumabas ng banyo para matuloy na ang naudlot kong pagtulog.
Nang akmang hihiga na sana ako nang makarinig ako ng iyak sa kung saan. Biglang nagising ang diwa ko sa kaisipang baka may multo at 'yung naririnig kong umiiyak ay multo.
Kahit natatakot ay inilibot ko ang aking paningin para hanapin kung saan nagmumula ang tinig nang marinig ko itong magsalita habang humihikbi pa rin.
"K-kuya. P-please." Natigil ang paningin ko sa sofa kung saan nagmumula ang boses at saka lang nag-sink in sa utak ko na wala pala ako sa bahay at hindi lang ako nag-iisa sa kwartong 'to.
Iignorahin ko na sana si Howell nang hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak at pagsasalita ng kung ano-ano.
Huwag niyong sabihing binabangungot 'tong lalaking 'to? Tinatablan din pala ng bangungot ang tukmol na 'to? Chourout. Ang sama ko.
Nang dumaan ang mga ilang sandali pero hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na bumangon at puntahan siya.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya at nasilayan ang itsura niya ay hindi ko na napigilang mag-alala. Nanginginig at namamawis siya habang yakap-yakap ang sarili habang patuloy na bumubulong ng mga katagang "Kuya. Please, gising na kayo." Mahinang usal niya na hindi ko maintindihan.
Ganitong-ganito siya noon kapag nalalasing. Nilalagnat at binabangungot. Hindi ko akalain na magpahanggang ngayon ay ganito parin siya.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinaharap sa akin habang niyuyugyog siya para magising. "Howell. Wouy, gising. Howell." Tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya at naramdaman kong mainit siya. Nang ilapat ko ang aking kamay sa kanyang noo ay mabilis ko itong binawi dahil sa sobrang init. Ganun din ang sa leeg niya.
Ano ba kasing nangyayari sa taong 'to?
Dali-dali akong pumunta ng banyo para kumuha ng maliit na planggana at nilagyan ito ng tubig. Kumuha din ako ng face towel na nasa maliit na kabinet sa loob ng banyo kasama lang nang maliit na planggana.
Dali-dali akong bumalik kay Howell at inilagay muna ang dala kong plangganang may tubig sa coffee table na nasa gitna ng sofa set bago inalis ang kumot sa katawan niya. Nang mailunod ko na ang face towel sa plangganang may tubig ay pinigaan ko ito ng maayos bago ipinunas sa kay Howell. Pinunasan ko ang mga braso niya, leeg, mukha, at buti nalang nakashorts lang siya kaya madali ko lang ding napunasan ang mga binti niya hanggang paa. Hindi na din ako nag-atubili pang itaas ang t-shirt niya para mapunasan ko ang malabato niyang katawan pati ang likod niya. Nakita ko naman na ang mga 'to- higit pa nga eh, tapos mag-iinarte pa ako? Tsaka emergency naman eh kaya walang malisya.
Talaga lang, Faye ah? Malisyosang sabi ng utak ko.
Nang matapos ako sa pagpunas sa buong katawan niya- except lang doon sa ano niya- ay binanlawan ko ulit ang face towel at piniga ito ng maayos bago ko ito ipinatong sa noo niya.

YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :