Nakatulala lang ako sa byahe.
Nang tingnan lingunin ko ang mga anak ko ay nakita kong walang nagbago sa ekspresyon ng tatlo kong anak mula pa kanina. Yakap nila ang mga bagong bag nila na binili namin kanina. Inilagay na kasi namin sa mga bag nila para sila na ang magdala at para wala nang hassle.
Nakapoker-face parin sila habang si Agapov naman ay kakanta-kanta lang ng kung anong kanta ang sinasabi niya na siya lang ang nakakaintindi.
Nang makita ako ng tatlong kong anak na nakatingin sa kanila ay sabay nila akong tinaasan ng kilay.
Ang sungit talaga ng mga to!
Nginitian ko sila.
"Ano gusto niyong kainin, babies? Magpapaorder na rin ako sa tito ng ice cream. Anong gusto niyong flavor?" Masiglang tanong ko sa kanila.
Pero nadismaya ako nang si Agapov lang ang sumagot.
"Usto ko ng chocoweyt, momma!"
"Sige, anak. Kayo, Alastair anong gusto niyo?" Tanong ko sa tatlo kong anak.
"Wey fine, mommy." (We're fine.) Sagot ni Alastair.
"I'm don't like sweets for today." Sagot ni Ashford.
"I'm okay." Simpleng sagot naman ni Aphelion.
"O-okay." Tanging tugon ko at umayos na ng upo at hindi na sila nilingon pa.
Bulol parin ang mga anak ko kasi three years old pa sila. Ang R ay ginagawa nilang Y or W minsan. At ang S ay ginagawa nilang SH. Depende sa sasabihin nila.
Bakit kaya ganun ang reaksyon nila, simula kanina?
Hindi kaya...
Nanlaki ang mata ko sa naisip.
Hindi kaya alam na nila kung sino ang daddy nila? Kaya ba ganun ang reaksyon nila nang makita si Howell kanina? Pero... magkamukha lang sila ng ninong nila.
Nakatulala lang ako at hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Kung hindi lang ako tinawag ni Agapov ay hindi ako mababalik sa huwisyo ko.
"Momma! We can't unbuckle our shetbelt!" (Seatbelt) Tawag niya sa akin.
Dali-dali akong lumabas sa front seat at pinuntahan ang anak ko. Dahil maliliit naman sila ay tigdalawa sila sa isang seatbelt kasi kasya naman sila dahil sa liit nila. Hahaha.
In-unbuckle ko na ang seatbelt nila at pinalabas na sila sa taxi. Nagbayad na muna ako sa taxi driver bago ako sumunod sa mga anak ko at kina ate papasok sa loob. Kasama kasi nina ate ang dalawang nanny ng mga bata kasi hindi na kami kakasya sa taxi.
Nang makapasok na kaming lahat sa loob ng bahay, ay sya namang pagtunog ng doorbell.
"Yaya, pake bihisan na muna please ang mga bata." Saad ko sa dalawang yaya ng lima.
"Opo, ma'am."
At agad naman silang umakyat na sa kwarto ng mga bata para bihisan na ang mga ito.
"Ako na ang magbubukas. Baka ang mga pagkain na 'yan." Sabi naman ni Ate at naglakad na papunta sa pinto para buksan ito.
Ako naman ay umupo na sa sofa at inihilig ang ulo ko sa sandalan. Pakiramdam ko ay binugbog ang buo kong katawan, dahil sa pagod. Physically and mentally tired.
"Hello, sister-in-law!" Sigaw ng pamilyar na boses.
Nang mag-angat ako ng tingin ay muntik na akong mabuwal sa kinauupuan ko. Kung hindi ko lang naalala na may kakambal pala iyong lalaking iyon ay iisipin ko nang, siya 'to.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :