Gusto kong maniwala. Gustong kong umasa. Gustong-gusto ko pero at the same time, I'm scared.
I'm scared that my hope and trust would turn out to disappointment.
I'm scared that I might get hurt again.
I'm scared that I might be in pain again.
I'm scared of so many things, possibilities and what ifs, right now.
Deritso akong tumingin sa mga mata niyang nangungusap na nakatingin din sa akin. "Huwag lang puro salita, Howell." Matigas kong sabi sa kanya.
"Sinasabi ko 'to kasi papanindigan ko. I made a big mistake before. And I don't want that to happen again."
"What about Mia?"
Napakurap siya na para bang hindi niya inaasahan ang tanong ko. "What about her?"
Mapait akong ngumisi. "You left me because of her, Howell. You abadoned us, because of her. And now what?"
"She betrayed me, Faye-"
"-you betrayed me too, Howell. You betrayed me because of her!"
Bahagya siya napayuko. "I-I'm sorry. I know, hindi mapapalitan ng sorry ko ang mga sakit at paghihirap na pinagdaanan mo. I-I know I caused you pain too much. B-but I still want to say sorry for everything. Sorry for everything, Faye. This is the least that I could do for now. I'm still proving myself to you and to our children. I'm sorry."
Akmang magsasalita na sana ako nang marinig ko ang pagtunog ng elevator, hudyat na may taong umakyat dito sa opisina ng Presedente.
Pareho kaming napatingin ni Howell doon para tingnan ang kung sino man ang dumating. Hanggang sa makita namin si Sir George na may kasamang isang babae na sa tingin ko ay sekretarya niya.
Pasimple kong inayos ang sarili ko at huminga ng malalim bago nakangiting sinalubong sila.
"Good Morning, Sir George." Nakangiting bati ko sa kanya na tinanguan lang niya. Tinanguan ko rin ang kasama niya bilang pagbati at ganun din ito sa akin.
"Good Morning, Ms. Martinez and Mr. Idelson."
"Good Morning." Tipid na bati ni Howell na bumalik sa pagiging seryoso at madilim na naman ang mukha.
Naglakad na si Howell papunta sa mini sala at umupo sa pang-isahang upuan na kadalasan niyang inuupuan pag may meeting sa opisina niya. Sumunod naman ang dalawang bisita at umupo na rin sa pahabang sofa, habang ako ay pumunta sa mini kitchen ng opisina para maghanda ng makakain habang nagmemeeting.
Nang matapos ako ay inilagay ko na ang mga inihandang mga pagkain sa mini table na nasa gitna namin at umupo na rin ako sa isang pahabang sofa salungat sa inuupuan nila Sir George at ang kanyang sekretarya, upang sumali na rin sa usapan.
"Maraming investors na nagmula pa sa iba't-ibang bansa ang dadalo sa selebrasyong ito, Mr. Howell." Napasinghap ako sa gulat nang marinig kong magtagalog si Sir George.
Amporkchop. Akala ko foreigner talaga 'to. Pinahirapan pa ako sa pag-english nung nagkausap kami.
Napabaling si Sir George sa akin dahil sa pagtataka sa reaksyon ko, ganun na rin ang kanyang kasama at si Howell.
"What's wrong, Ms. Faye?" Nagtatakang tanong niya.
"Nagtatagalog ka pala? Akala ko taga rito ka talaga." Mangha kong tanong sa kanya.
He slightly chuckled at me and looking amused. "I'm a half-Filipino and half-British. My mom is a Filipino. I grew up here in States dahil dito gusto ng dad ko mamuhay, but mama would always talk to me in tagalog kaya naman natuto ako at kinalakihan ko na ito. And bumibisita din ako sa Pilipinas paminsan-minsa, kaya marunong talaga ako magtagalog."
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :