CHAPTER 85

1.6K 71 12
                                    

Tulala akong hanggang makapasok ng unit namin.

Hindi ko alam kung saang lupalop na nilipad ang utak ko.

Sapagkat hanggang ngayon ay pino-proseso pa rin ng utak isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Hardison kanina.

Narinig ko, naiintindihan ko, oo pero hindi ko makuha? Gets niyo? Bahala na kayo.

Pagkatapos magtapat ni Hardison kanina lahat ng katotohanan at buong kwento ng panggagago nila sa akin ay basta-basta nalang akong umalis habang tulala. Narinig ko siyang tinawag ako kanina pero hindi na ako nag-abalang pansinin pa siya o lingunin dahil masyado ng magulo at puno ang utak ko.

Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi magpahinga at kalimutan ang lahat-lahat ng mga pangyayari ngayon dahil pakiramdam ko mababaliw na ako.

Narinig ko na ang buong eksplenasyon niya pero pakiramdam ko kulang sa istorya niya at 'yun ang pinagtataka ko. Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Ang plano kong magpahinga pag-uwi ay mukhang hindi na matutuloy nang maabutan ko sa sala sina ate, kuya Michael at Fykes.

"Ate," tawag ni Fykes sa akin nang mapansin niya akong nakatayo at nakatingin sa kanila.

Agad na napabaling si ate at kuya sa direksyon ko at mabilis na lumapit sa akin. Bakas sa mukha ni ate ang pagod at galing sa pag-iyak. Medyo magulo rin ang kanyang buhok at mugto ang kanyang mga mata.

Bakit parang siya pa 'yung mas pinaka-nasasaktan sa aming dalawa? 'Diba dapat ako 'yun?

"F-faye, bakit ngayon k-ka lang huh? Kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka b-ba nanggaling? Hinanap ka ng mga bata kanina. Kumain ka na ba? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni ate.

Gusto kong maawa sa kanya. Gustong-gusto ko siyang yakapin dahil sa itsura niya pero naisip kong dapat ako 'yung kailangan ng yakap. Dapat ako 'yung dinadamayan.

"Ayos? Ayos lang ako, ate. Sobrang ayos ko lang. Wala akong sugat o pasa, walang galos, ayos lang ako. Ayos lang ako, ate pero hindi ako okay," may diin kong sabi.

"Sorry. Sorry, Faye. Hindi k-ko ginustong itago sayo lahat ng 'yun pero wala akong choice."

"Walang choice?" Sarkastiko ko siyang tinignan. "Ate, may choice ka! It's either you will tell me the truth, or not and YOU chose the last! You have choices, ate so stop saying na wala kang pagpipilian kasi lahat ng desisyon na gagawin mo ay may choices!"

Hindi ko na napigilang sigawan siya. Pagod ako at gusto ko ng matulog at magpahinga nang sa ganun ay makalimutan ko man lang kahit saglit ang sakit. Pero andito sila at dinadagdagan na naman ang bigat na dinadala ko.

"Mahal na mahal kita, ate. Mahal na mahal ko kayo kasi kayo na lang ang meron ako. But what about me? How about me? A-ako nalang ba palagi ang iintindi? Ako nalang pa palagi ang magpaparaya? Ako nalang pa palagi ang masasalo sa lahat ng sakit na binibigay niyo sa akin, huh ate? Paano naman ako? Palagi nalang bang ganito?"

Yumuko lang siyang umiiyak habang nanatiling tahimik ang asawa niya sa likod niya at inaalalayan siya at pinapatahan. Tahimik lang din si Fykes habang nasa gilid niya.

Binalingan ko si kuya Michael na nakitingin din sa akin. "Kuya, sabihin mo, papaano naman ako?"

Bumuntong-hininga siya at deritsong tumingin sa mga mata ko. "I also lied to you, Faye."

Yeah. Lahat nalang kayo sinasaktan ako.

"Me and Hibben know each other since high school. And... and when I met you and you told me your husband's name, that night I contacted him and we talked. Sinabi niya sa akin ang gustong mangyari ng kapatid niyang si Hardison na nagpapanggap bilang si Howell noon. Pero hindi niya alam ang totoo talagang plano ng kapatid niya kaya pinagbantayan ka niya sa akin. Gusto niya protektahan kita laban sa kapatid ni-"

SOMEDAYWhere stories live. Discover now