Huhuhu.
Kanina pa iyak ng iyak ang mga anak ko! Hindi ko alam kung sino at ano ang uunahin!
Nagsabay pa talaga sila!
At ito pa, huh. Dumagdag pa itong pinsan ko sa sakit ng ulo ko!
"Babies, gusto niyo lollipop? Marami akong binili doon!"
"Hoy, Jason! Tigilan mo nga ang mga anak ko! At anong lollipop?! Eh babies pa ang mga 'yan."
Limang araw na ang nakakalipas simula nang manganak ako.
Tinutulungan ako nina papa, ng dalawa kong kapatid at ng mga pinsan ko sa pag-aalaga ng mga anak ko.
Grabe! Hindi pala talaga biro ang magpalaki ng mga bata! Lalo na kung wala ka pang kasanayan. Hindi mo alam kung anong gagawin mo at kung paano ito, paano iyan.
Buti na lang at andito sina tita, ate, si papa at si Manang Felicia na gumagabay at tumutulong sa akin.
"Eh, pinsan. Kanina pa sila umiiyak eh! Baka gusto nila ng candies! Iyong nakikita ko sa mga TV, ay candies lang ang ibinibigay nila sa mga baby nila tapos tatahan na."
Napatampal na lang ako ng noo sa sinabi ng pinsan ko. Minsan gusto ko na siyang sigawan.
Ewan ko ba kung paano niya napasagot ang girlfriend niya.
Nameet na namin ang kasintahan niya three days ago nang dalhin niya ito sa bahay.
Ang ganda at ang pormal ng girlfriend niya. At ito pa, ha. Iba siya umasta pagkaharap ang girlfriend niya. May pagka-possessive at ang seloso niya.
Ibang-iba sa Jason na ang slow at parang bata.
"Jason..." Pagtitimpi ko. "Iyong mga batang nasa TV na nakikita mo na kumakain na ng candies, ay nasa tamang edad na 'yon para kumain ng mga ganyang pagkain. Pero itong mga anak ko ay limang araw na gulang pa lang!" Nagpipigil na talaga ako guys.
"Eh, pinsan--" Hindi ko na siya hinayaang matapos sa pagsasalita.
"TANGINA JASON! SUMASAKIT NA ANG ULO KO SAYO!" Sigaw ko.
Napanguso siya. "Galit ka, pinsan?" At nakuha pa talagang magtanong ng damuho.
"Hindi ako galit, Jason."
"Eh ba't ka naninigaw?"
"GALIT NA GALIT NA AKO! NAIINIS NA DIN AKO!"
"Hala!"
"Hala talaga!"
"Pinsan, nakakapangit ang pagiging galit!"
"Tigil-tigilan mo 'ko!"
"Pinsan, pwede ko bang dalhin si Agapov sa mall? Mag-mamall kasi kami ni Ayza mamaya." Ayza ay ang pangalan ng girlfriend niya. "Gusto kong dalhin si Agapov para parang isa kaming pamilya! Hahaha. Diba ang cute tingnan nun? Tapos ang ganda at gwapo pa ng mommy't daddy. Hahaha."
"Eh bakit si Agapov lang ang dadalhin niyo?"
"Eh pinsan, hindi din naman kasi namin kayang dalhin silang apat. At sa kanilang apat, si Agapov lang po ang makulit, eh ang tatlo ay puro seryoso at tahimik! Minsan nakakatakot sila, pinsan."
Tama si Jason. Sa kanilang apat ay si Agapov talaga ang makulit at madaling mapatawa. Ang tatlo kasi ay tahimik lang kung hindi iiyak at ang strikto pa ng mga mukha. Palaging nakabusangot.
Saan kaya nagmana ang mga 'to. Sure akong sa akin nagmana ang bunso ko.
Hindi kaya sa ama nila nagmana ang tatlo? Ano kayang ugali ng ama ng mga anak ko 'no? At ano kayang itsura niya?
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :