Ano daw? Susuyuin niya ako? Mamahalin at hahabulin? Ek-ek niya!
Akala niya siguro maniniwala na naman ako sa kagagohan niya.
Tss. That was three days ago and hanggang ngayon wala naman siyang ginagawa! It's not that umaasa ako na tuparin niya ang sinabi niya. Ang akin lang sana ay pangatawanan at panindigan naman niya ang mga binitawan niyang mga salita lalo na't lalaki siya!
Ang mga lalaki hindi lang dapat hanggang salita, dapat may paninindigan din! Ganun din sa mga babae.
"ANO, FAYE? NAKIKINIG KA BA HUH?!"
Napapikit ako sa sigaw na 'yun ni Ate.
Dumagdag pa siya sa isipin at sakit sa ulo ko ngayon. Nalaman kasi niya na pinakilala ko na si Howell sa mga anak ko at hinahayaan ko ito na maging ama sa mga bata. Nalaman niya din na palagi na palang nakakasama ng mga bata ang ama nila at hindi ko man lang daw naisip na sabihan siya, sila.
Napabuntong-hininga ako at tinignan si ate na kala mo may kaaway sa kabilang kanto. "Ate, I didn't mean to hid it from you. Humahanap lang ako ng magandang tyempo para masabi sa inyo ang tungkol dun. Alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo pag sinabi ko sayo kaagad. You know to yourself that you can't control your anger towards my ex-husband, ate."
"It's because he doesn't deserves to be treated nicely! I will express what I really feel towards that bastard anywhere and wherever I want!" She shouted at my face again.
Tumingin ako kay Kuya Michael, nanghihingi ng tulong na nasa gilid ni Ate nakatayo habang nakapamulsa. He just stared back at me coldly.
Tss. Hindi ko talaga maaasahan si Kuya pagdating kay Ate. Eh kasi naman under siya ni ate at kapag galit si ate, wala na talagang makakapigil sa kanya miski asawa niya.
Si Fykes naman ay bored lang na nakaupo sa pang-isahang sofa habang nanonood sa amin ni Ate. Hindi din nakakatulong. Nasa bahay kami ngayon dahil sina Tita at Tito Dreck muna daw ang magbabangay kay papa. May mga pasok din ang mga bata ngayon kung kaya't kaming apat lang ang nandito ngayon sa bahay.
Eh bakit pa ba kasi nadulas 'yung anak kong parang si Einstein eh.
Naghahanda ako ngayon ng mga gamit at pagkain na babaonin ng mga bata sa school nila.
"Nanny Emerald, paki tawag naman po ng mga bata at sina ate dahil kakain na po."
"Sige, Faye." At naglakad na siya papunta sa pangalawang palapag para tawagin ang mga bata at sina ate.
Maagang umalis sina Tita kanina para magbantay kay papa sa hospital.
I sighed. Hanggang ngayon hindi parin gumigising si papa. Sinabi ng doktor na nagreresponse naman daw ang katawan ni papa sa mga gamot na binibigay nila, but sad to say walang nakakaalam kung kailan magigising si papa. Nagdedepende parin daw 'yun kay papa at sa katawan niya.
Kasalukuyan akong naglalagay ng mga ulam sa mesa nang dumating si Nanny Rose bitbit ang isang bouquet ng rosas na may iba't-ibang kulay.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :