Napakurap ako sa narinig dahil parang ayaw mag-sink in sa akin ang sinabi niya.
"A-ano? Paano? Paano siya naging ama ni Massey at paano sila nagkaroon ng relasyon dalawa ni Mia? E-eh diba magkarelasyon at halos hindi kayo maipaghiwalay noon?" Wala sa sarili kong sunod-sunod na tanong sa kanya.
"Hindi sa lahat ng oras magkasama kami ni Mia noon. May sari-sarili rin kaming buhay at pinagkakaabalahan. Modelo at artista siya, habang ako naman ay may sariling kompanya na nangangailangan sa akin sa lahat ng oras. Siguro, sa mga panahon na hindi kami magkasama o busy ako sila nagkikita. Tama nga siguro ang kasabihan na, when the cat is away, the mouse will play." Matabang niyang sabi.
"Why would a mouse will play when the cat is away, pappy? Edi wala po siyang playmate?"
Napakurap ako at napabaling sa bata na kalahi ni Einstein. Nawala sa isip ko na kasama pala namin ang mga bata.
Natawa si Howell sa inosente na tanong ng anak at yumukod para mapantayan ang anak. "Cats and mouses are anemies, baby. They can't be together."
"Why can't they be togethew, pappy? They awe both animals." Tanong na naman ni Agapov.
"Not all animals can be together, baby. Every animals has it's own family where they belong. And every animals has likes and dislikes just like human. And if they dislike other species, then they can't be playmate." Pagpapaintindi pa ni Howell dito.
Nakita kong bahagyang yumuko si Agapov at akala ko ay titigil na siya sa kakatanong niya. Kaso nagulat nalang ako nang mag-angat siya ng tingin na namumula ang mga mata na parang ilang sandali lang ay iiyak na siya.
"Why would they huwt and dislikes othew species, pappy? We awe all cweated by papa God. So, we should love one anothew." Naiiyak niyang sabi na nagpangiti sa akin.
This time ako naman ang yumukod para mapantayan sila. Hinila ko papalapit sa akin si Agapov at hinawakan ang kanyang dalawang maliliit na balikat para maiharap sa akin.
"Not all people are good, baby. Same as animals. May bad din na mga tao at may bad din na mga animals. And nobody's perfect in this world. And also sometimes, anyone or even animals will be in their defensive mode or alert mode when they feel danger or bad towards something or someone. Specially those who wants to protect their someone or something they treasure or love the most. Some people don't know what love is. That's why they do things what they think is right. And because of them, life is interesting and not boring." Marahang sabi ko sa kaniya, pero alam kong nakikinig din ang tatlo sa sinasabi namin ni Howell.
"Why would it be interesting when there are bad people, mommy?" Singit naman ni Alastair.
"Kasi mga anak, kung puro mababait lang ang mga tao sa mundo, edi walang gulo at walang problema."
"Isn't it better, mami?" Masungit naman na tanong ni Aphelion. Etong batang 'to, hindi ko talaga alam kung saan ko 'to pinaglihi noon. Eh pareho lang naman ang araw na nabuo silang apat at ang araw na lumabas sila. Pero bakit parang mas matanda pa 'to sakin kung magsungit?
"No, anak. Life would be boring. Kung walang problema, edi walang pagsubok. Kung walang pagsubok, edi paano mo malalaman kung nakapasa ka ba o hindi? Paano mo malalaman kung kaya mo ba ang isang bagay o hindi? Katulad lang yan sa school anak, kung may test or quizes kayo tapos ibinigay din ni teacher ang mga sagot para makasagot kayo lahat ng tama, then what's the purpose of the test or quizes? Isn't it to test whether you learned something or not? And that is how life works, babies. Kung mababait tayong lahat, kung mayroon na tayo lahat, kung wala tayong problema at kung wala tayong pagsubok, eh bakit pa tayo nabubuhay kung wala naman na din tayong gagawin kasi nasa atin na lahat?"

YOU ARE READING
SOMEDAY
Novela Juvenil[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :