Simula nung nangyari kahapon ay bumalik ako sa pagiging malambing at maalaga sa kanya.
Hehehe! Kinikilig pa rin ako sa tuwing iniisip ko iyong kiss namin! Waah! Ang galing talaga ng gago kong asawa humalik! Mapakama man o nakatayo. Hahaha! Grabe din makashoot, 4 points agad! BOOM! QUADRUPLETS!
Hehehe.
Sasabihin ko na sa kanya mamaya ang tungkol sa quadruplets.
Pero may parte sa akin na nag-aalinlangan, kung sasabihin ko ba o hindi. Siguro, gagawa muna ako ng paraan para malaman kung dapat ko bang sabihin sa kanya.
"Asawa ko! Baba ka na! Kakain na!" Tawag ko kay Howell.
Simula din kahapon ay ASAWA KO na ang tawag ko sa kanya. Naiirita nga siya eh pero bahala siya basta iyon yung gusto kong itawag sa kanya, pake niya ba?
Maya-maya pa'y bumaba na ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko sa balat ng lupa.
Wah! Ang gwapo ng asawa ko! Medyo basa pa ang buhok niya at hindi pa maayos ang pagkakatupi ng polo niya. Hilig niya kasing tinutupi ang polo niya hanggang siko. Pati ang necktie niya ay nakasabit lang sa leeg niya.
Pero kahit ganyan lang ang ayos ng asawa ko eh ang gwapo parin talaga! Sana man lang mamana ng mga anak namin ang taglay na kagwapuhan ng ama nila, lalo pa't quadruplets at puro lalaki.
Nilapitan ko siya upang tulungan sa pag-aayos ng sarili niya.
Inilagay ko muna ang attache case niya sa mesa at tinulungan na siya. Unang kong inayos ang pagkakatupi ng long sleeve ng polo niya kasi nagugusot na. Ang burara naman kasi ng lalaking 'to, lahat dinadaan sa dahas. Pati paggawa namin ng baby. Ehem. Sowwy, na slide!
Pagkatapos ko ayusin ang magkakatupi ng sleeve ng polo niya ay iniwan ko muna siya.
"Kumain ka muna, mamaya ko na aayusin ang necktie mo, baka magusot na naman." Ani ko at naglakad na papunta sa taas, sa kwarto namin para kumuha ng tuwalya.
Ewan ko ba sa lalaking iyon, pati pagpapatuyo ng buhok ay hindi pa magawa ng maayos. Kaya minsan tuloy, basa ang polo niya sa tuwing pumapasok siya kasi hindi pa tuluyang natutuyo ang buhok niya ay isinusuot niya na ang damit niya.
Kumuha rin ang ng kulay red na necktie na may polca dots na kulay white. Nakita ko kasi kanina na na gusot gusot na ang necktie niya dahil sa basta-basta na lang niya sinabit sa leeg niya.
Pagkababa ko ay saktong kakatapos niya lang. Akmang tatayo na siya ng pigilan ko siya at pinaupo ulit. Nasa gitna na ako nga ng mga binti niya nakatayo. Kaharap niya ang malulusog kong dibdib at ang umbok na umbok ko ng tiyan. Inumpisahan ko nang patuyuin ang buhok niya.
"Pag hindi pa masyadong tuyo ang buhok mo, huwag mo munang suotin iyang long sleeve polo mo, kasi nababasa pagpumapasok ka. Pumasok kang puti ang kwelyo mo pero pagkauwi mo eh madilaw na. Ano yun? Sunrise and Sunset?" Pangangaral ko sa kanya.
Tiningnan ko siya sa nakatingin lang ito sa tiyan ko.
May pagkadisgusto sa mukha niya habang nakatingin doon.
Ganun ba niya kami ka ayaw? Ganun ba ka walang halaga sa kanya ang mga anak namin.
Ipinikit ko ang mata ko upang makontrol ko ang emosyon ko. Hindi dapat ako nagpapadala ng emosyon ko. Apat na buwan nalang ang oras na meron kami kaya susulitin ko na lang. Kung ayaw niya talaga sa amin, okay lang. Kahit masakit, kakayanin ko na lang para sa mga anak namin. Kaya ko naman sigurong maging ina at ama sa kamila diba? Diba?
Pinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas ng buhok niya.
"Hay, naku anak! Sana man lang huwag mo mamana ang katigasan ng ulo ng ama niyo!" Pilit kong pinapasigla ang boses ko kahit ang totoo ay parang may bumabara sa lalamunan ko.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :