At exactly 7:25 pm, dumating sina Tito Dreck, Tita at Fykes.
"Good Evening, hija. Nagdala kami ng pagkain at damit para sayo." Ani ni Tita na may ngiti sa labi.
"Thank you po, Tita. Sa labas ko na lang po kakain 'to at tsaka uuwi na lang po ako ng bahay para doon na po magbihis. May kikitain pa po kasi ako ngayon eh."
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng tatlo kong kasama.
"Sino namang kikitain mo, Ate?" Kuryusong tanong ni Fykes.
"Si Mrs. Idelson." Simpleng sagot ko.
"Diba ikaw yun-- noon." Agad na pinutol ni Fykes ang kanyang sasabihin sana nang pandilatan ko siya ng mga mata. Nagpeace-sign pa ang ugok.
"Mommy ba ni Howell ang tinutukoy mo, hija?" Tanong ni Tito Dreck.
"Opo, tito. Gusto niya raw po akong makita at makausap."
"Okay lang ba sayo?"
Nginitian ko siya at tinanguan. "Opo. At tsaka labas na po kayo sa kung ano mang meron sa pagitan naming dalawa ng dati kong asawa, tito. Hindi na po dapat namin kayo dinadamay. At tsaka, hindi po magbabago yung turing at pakikitungo ko kay mommy dahil lang sa sinaktan ako at may nakaraan kami ng anak niya. Wala na po kayo dun."
"Napakabuti mo, Faye."
Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni tito. "Hindi naman po, tito. Nagpapakamatured lang po. Hehehe."
"Matured ka na ngang talaga, Faye." Ani ni Tita at niyakap ako at niyakap ko rin siya pabalik. Naramdaman ko ding hinaplos niya ang aking buhok.
"T-tita." Usal ko.
Humiwalay siya sa akin at nagtatakang tiningnan ako na may ngiti parin sa mukha. "Ano yun, hija?"
"S-saan po nilibing si mama?" Naiiyak kong tanong.
Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig niya. Nilingon niya si Tito Dreck na nakatingin lang din sa akin at si Fykes naman na tahimik lang din sa tabi ni Tito. Maya-maya a'y ibinalik ni Tita ang kanyang atensyon sa akin at malungkot akong nginitian. Kita ko rin ang panunubig ng kanyang mga mata.
"N-naalala mo na, Faye?"
Tumango ako. "Opo. Bumalik na po lahat ng mga alaala ko."
Nakangiti parin siya ngunit makikita ang kalungkutan sa ngiting yun. "Bibisitahin natin ang mama mo sa susunod na araw, Faye. S-siguradong matutuwa yun dahil makakabisita ka na sa kanya sa wakas."
Nagtataka kong sinulyapan si Fykes dahil sa sinabi ni Tita. "Nakabisita na p-po ba si Fykes kay mama?"
Tumango si Tita. "Pasensya ka na, hija. Ayaw naming mabigla ang utak mo at sumakit na naman ang ulo mo dahil sa isang balita na naging dahilan ng pagkawala ng mga memorya mo. Sinabi ng doktor mo na hindi ka dapat binibigla at hindi dapat minamadali sa pag-aalala ng mga nakalimutan mo dahil maaaring ito pa ang dahilan ng tuluyan ng hindi pagbalik ng mga alaala mo. K-kaya pasensya ka na hija kung hindi namin sinabi sayo na matagal na kaming dumadalaw sa puntod ng mama mo sa Pilipinas." Mahabang paliwanag ni Tita.
"Sa P-Pilipinas po nakalibing si mama?" Naiiyak kong tanong.
"Oo, hija. Pasensya ka na talaga. Ayaw lang--"
Sinsero kong nginitian si Tita. "Ayos lang po. Alam ko namang ginawa niyo lang po 'yun para sa ikabubuti ko." Napakagat labi ako para pigilan ang pagtulo ng mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. "Gusto ko pong bisitahin si mama pag gumaling na po si papa. Gusto ko kompleto tayo pag humarap po tayo sa kanya."
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :