On that the same day, wala akong ibang choice kundi ang pumasok sa trabaho. May pasok ang mga bata ngayon at wala din naman akong ibang gagawin doon sa bahay kundi ang magmukmok.
And yes, I decided to put aside my personal issues when I'm at work. Hindi ako magreresign sa kompanya ng dahil sa personal na issue namin ng may-ari. Hindi naman ako ganun ka immature kung mag-isip eh. Professionalism is a must in working. Kung magpapadala ka sa personal issue at problema mo, maaapektuhan ang trabaho mo at makukuwestyon din ang pagiging propresyunal mo.
Do you understand what I mean to say?
Okay.
So ayon na nga. As expected, pagpasok ko palang sa opisina niya or should I say pagbukas palang ng elevator ng makalapag na ito sa floor ng CEO's Office ay agad bumungad sa akin ang demonyong nakaupo sa sofa habang nakatulala sa kung saan. Mukhang hindi nga niya naramdaman na dumating na ako.
Lihim akong napairap at tumikhim na nakakuha ng atensyon niya. "Good morning, sir." Pormal kong bati dito sabay bahagyang yumuko.
Mabilis siya nakalapit sa akin at akmang hahawakan ako nang umatras ako. Napapahiya naman niyang ibinaba ang kanyang kamay at isinilid iyon sa bulsa niya.
Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. "A-akala ko hindi ka papasok ngayon. Maiintindihan ko naman kung hindi but please, Faye don't resign-"
"I will continue working here, sir."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "Really? You will not leave me again, right?" May pangamba sa kanyang tono.
Kaswal akong ngumiti sa kanya. "Kung ano man po ang personal na problema natin, labas na po 'yun sa trabaho natin, sir. I applied to this job because I want to earn for my personal needs and personal expenses, sir."
Bahagyang nanlumo ang kanyang mukha pero hindi maipagkakailang parang nabunutan siya ng tinik. "At least you won't leave. That's the least I can relieve for, for now." Mahinang sabi niya pero rinig ko naman.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa table ko para makapagsimula ng magtrabaho.
The whole time I'm working is peaceful except, of course him being the wrecker of my peacefulness.
Simula nang makaupo ako sa aking upuan at mag-umpisang magtrabaho para siyang hindi mapirmi sa isang lugar at kung ano-ano ang tinatanong sa akin.
Kagaya nalang ng...
"Faye, what do you want to have for lunch? Do you want to eat here or sa labas na lang? Susunduin ko ang mga bata mamaya para sabay-sabay na tayong kumain."
Oh diba?
And when I look at the clock on the wall, for pete's sake it's still 9:10 am! Yet, his now talking about lunch. Hindi pa nga siguro nadidigest lahat ng mga kinain namin kaninang umaga. Nabuang na talaga 'tong lalaking 'to.
Napailing nalang ako at hindi siya pinansin. Itinuon ko ang aking buong atensyon sa aking ginagawa dahil isa ito sa importanteng report na kailangang ma-review ng boards. I'm kinda amaze on how this person made this proposal. I don't know him yet pero alam kong magaling talaga siya.
The proposal is all about the benefits that an employee will receive when he or she retired. Nowadays, hindi na napagtutuonan ng pansin ang mga retiree just because after they retired they will be no use to the company anymore. There are two types of retiree. Una, ang retiree na pagod ng magtrabaho at gusto nang magpahinga nalang. And second, ang retiree na gusto pa sanang magtrabaho pero hindi na pwede dahil sa kanilang edad. But then this person made a proposal that a retiree could still be part and work even with a minimum job lang, if she or he is willing to. Marami ding makukuhang benefits ang mga employee na retiree na.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :