CHAPTER 47

5.2K 144 36
                                    

"GAGAWA NG FAMILY TREE?!"

Nakitang bahagyang napaatras ang mga bata pati na rin ang mga nanny nila dahil sa gulat ng biglaang pagsigaw ko.

Alinlangan ko silang nginitian at nagpapasensyang tiningnan. "A-ah. H-hehe. Sorry nagulat lang si mommy."

"Ano naman pong nakakagulat sha paggawa ng family tree, mimi?" Kunot noong tanong ni Ashford. Siguro dahil sa pagtataka ng dahil sa asta ko.

Mabilis akong umiling at pinilit na ngumiti kahit na pinagpapawisan na ako. "W-wala. Uhmm... Hehehe.. A-ano kasi... w-wala akong picture ng d-daddy niyo."

Well, totoo naman kasi talaga. Wala kong picture sa lalaking iyon. Pwede ko naman picturan na lang si Hibben tutal ay magkamukhang-magkamukha naman sila. Kaso ay baka magtaka ang anak ko at magtanong kung bakit mukha ng Tito-Ninong nila ang nasa family tree. Hindi pa ako handang sagutin ang mga tanong nila. Nakakatakot na nakakakaba.

"It'sh okay, mami. We can jusht not include him in aw family twee." Seryosong saad ni Aphelion pero ramdam ko ang diin.

"What?! No! I'm shor we could find dadda'sh piktyuw!" Nagmamaktol na sabi ni Agapov at nakita kong nagsisimula nang manunubig ang mga mata niya habang nakakaawang nakatingin sa tatlo niyang kapatid.

Hindi ko din maintindihan ang tatlo kong anak. Alam kong may ideya na sila sa kung sino at kung anong klaseng tao ang daddy nila pero bakit parang sure na sure na sila? Bakit parang siguradong-sigurado na sila?

"Why do you keep wanting to shee hish (..see his..) face? He nevew (never) been with ush!" Singhal ni Ashford sa kapatid.

"Babies, why are you fighting? Please, don't fight just because of this." May pagmamakaawa sa boses ko.

Ayaw ko silang nakikitang nasasaktan at mas ayaw kong nakikita sinasaktan nila ang isa't-isa. Lalo na ngayon. Ayaw kong nakikita silang nag-aaway dahil lang sa pesteng lalaki iyon. Naku! Kumukulo talaga ang dugo ko.

Pero diba, Faye break muna? Break muna away from problems. Let yourself, rest.

Pagpapaalala ng utak ko sa sarili. Buti pa ang utak nag-iisip. Well, iyon naman talaga ang trabaho ng utak diba? Ang mag-isip.

Kung hindi ka nag-iisip o wala kang isip. Aba, isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi nagtatrabaho ang utak mo. Baka tamad o tinatamad. O baka naman, wala ka ng utak.

Kung wala ka namang utak. Ay naku, kabahan ka na. Wala ka na ding isip.

Napabalik ako sa sarili nang bigla na lang umatungal ng iyak si Agapov at mabilis na yumakap sa leeg ko. Nakaluhod kasi ako sa sahig kaharap sila.

"Shhh. Babies, please stop fighting already." Saway ko sa kanila habang umiiyak si Agapov sa leeg ko.

"He ish sho makulit! Shabi na na wala kaming daddy!" Sigaw ni Alastair na gumulat sa akin.

Ito ang unang beses na sinigawan niya ako at ang sarap patayin ng taong dahilan kung bakit sila nag-aaway ngayon.

"We don't have a daddy! I hate him! We only have mommy and we don't have a daddy!" Patuloy na sigaw ni Alastair sa kapatid.

Nag-angat ng tingin si Agapov at masamang tinignan ang tatlong kapatid.

"But it'sh bad to hate a peyshon (person). Mommy alwaysh weminding that to ush! And he ish aw dadda! Sho don't hate him!" Pagtatanggol ni Agapov habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"No, it'sh not bad to hate a peyshon! When that peyshon alsho hatesh you!" Sigaw pabalik ni Ashford sa kapatid.

Habang natitinginan sila ng matatalim sa isa't isa ay hindi ko maiwasang mapaiyak. Tangina. Kasalanan ko 'to. Ayaw na ayaw kong nakikita silang nag-aaway dahil lang sa animal nilang ama.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now