CHAPTER 64

2.7K 90 19
                                    

Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Mahal na mahal mo talaga siya 'no?" Wala sa sarili kong tanong.

Tumango siya na parang alam na kung sino ang tinutukoy ko. "Oo. Sobra."

"I-if someday..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko kasi naninikip ang dibdib ko. Pero pilit ko paring pinigilang umiyak pero sadyang taksil ang mga luha ko at kumawala sa mga mata ko.

Nakatingin lang siya sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko.

"If I'll let you go, will I free us both?"

Hindi siya nagsalita at marahas na lumunok lang sabay iwas ng tingin.

"Of course. I would love to be free from you and be with the woman I love." Malamig niya tugon na nasa malayo ang tingin.

Tumango ako na para bang tanggap na iyon na talaga ang mangyayari sa amin. Na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Ngumiti ako sa kanya. "H-huwag kang mag-alala. Pagkatapos nang lahat ng 'to. A-ako na mismo ang lalayo sa 'yo. Sa inyo." Tumingin siya sa akin. Malungkot ko siyang nginitian. "P-pero habang hindi pa nangyayari 'yun. Pu-pwede bang hayaan mo muna akong mahalin ka. P-pwede bang hayaan mo muna kami ng mga anak mo na makasama ka. K-kahit sa mga natitirang oras na lang." Pagmamakaawa ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

Hindi talaga natin napre-predict ang hinaharap. Walang sino man ang makakapagsabi kung anong mangyayari mamaya, bukas o sa susunod pang mga bukas. Wala.

"Pagod na ako, Howell."

"Baka sa susunod na buhay pwede na tayo. Baka sa susunod na buhay ako na ang mahalin mo. Pero sa ngayon, suko muna ako, huh? Napagod kasi ako. Nakakapagod na kasi."

Sadyang kontra yata talaga si Tadhana na maging masaya ako. Hindi pa kasi ako nakakapagsimula ng tuluyan, ginulo na naman niya ang pagsisimula ko.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now