Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng pangyayaring iyon.
True to myself. I gave myself a break. A break from problems. A break from pain. A break.
Pansamantala kong kinalimutan ang mga problema ko. Pansamantala kong kinalimutan ang mga pasakit sa buhay ko at ang mga bagay na magiging dahilan ng pasakit sa akin. Pansamantala ko siyang kinalimutan. Lulubus-lubusin ko muna ang pagpapahinga ko. Dahil alam ko na pagkatapos nito ay eepal na naman si kapalaran o si tadhana. Kaya habang wala pa ay magpapakasaya muna ako.
Ang tanong... masaya ba talaga ako?
Agad kong iniwaksi ang pait na naramdaman ko at pinalitan iyon ng mga positibong mga bagay.
Napagdesisyunan ko ring maghanap na ng trabaho para abalahin ang sarili. Tutal ay nag-uumpisa nang mag-aral ang mga anak ko at hindi naman p-pwedeng umasa na lang ako palagi sa pinansyal na pangangailangan sa kapatid ko at kina Tita. Nakakahiya na din. May natapos nga ako pero parang wala namang silbi dahil umaasa lang ako sa iba. Kaya naman napagdesisyunan kong mag-apply at magtrabaho na kahit hindi na angkop sa propesyon ko, basta ay legal at magandang trabaho, okay na. Ang mahalaga lang talaga sa akin ay ang makatulong sa gastusin sa bahay at sa pagpapaaral sa mga anak ko.
Nagpapasalamat nga ako dahil nang marinig ng pamilya ko ang desisyon kong iyon ay walang pag-aalinlangan nila akong sinuportahan. Alam kong ginagawa lang nila iyon para sa akin at para hindi ako lumungkot ulit kung sakaling kumontra sila sa akin. Pero kahit ganun ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanila. Na kahit sa ganitong paraan man lang. Na sa ganito ka simpleng pagsuporta nila sa akin ay ramdam ko talagang hindi ako nag-iisa sa laban na 'to.
Kung magtatrabaho na rin ako ay hindi naman ako mag-aalala sa mga anak ko dahil may mga Nanny naman sila at tinutulungan din ako nina Tita Kathrina, papa at Tito Dreck pati na rin si Fykes sa pag-aalaga ng mga bata. Napagdesisyunan din nina Tito Dreck na manatili na muna dito sa States ng matagal, tutal ay wala naman daw silang gagawin sa Pilipinas at may tiwala naman daw sila sa mga taong iniwan nila doon para pangalagaan at i-handle ang mga businesses nila kaya kompyansa sila na nasa maayos at mabuting kamay ang mga 'yun. One year ago ay magpa-dual citizenship na rin si papa dito sa States. At dahil may pera at connection sina Tita ay napadali ang pagproseso nun katulad ng sa amin ni Fykes at sa mga anak ko. Sina Ate kasi ay matagal na dawng naka-dual citizen kaya naman iyong sa amin na lang na hindi pa ang inasikaso noon. Gets niyo? Bahala kayo. Chour.
Kasalukuyan akong naglalaba ngayon. Thurdays ngayon at ako lang mag-isa dito sa bahay. Wala sina Tita Kathrina, papa at Tito Dreck dahil bibisitahin daw nila ang mga pinsan kong nasa resthouse ng mga Lopez. Hindi pa daw kasi umuuwi ang iba. Si Fykes naman ay lumabas para gumala kasama ang mga pinoy na kaibigan niya na nakilala niya dito. Sina Ate at Kuya Michael naman ay ewan. Hindi ko alam kung saan nagpupunta ang mga 'yun. Siguro ay sasama si Ate sa asawa pumasok sa trabaho. At ang mga bata naman ay nasa-skwela pa kasama ang mga nanny nila, mamaya pa ang uwian ng mga 'yun. Kaya naman mag-isa lang talaga ako dito kasi ako lang naman ang walang trabaho at gawain. Kaya naman napagdesisyunan kong abalahin ang sarili sa paglilinis ng bahay.
Nilinis ko muna ang sarili kong kwarto bago 'ko nilinis ang mga kwarto ng mga anak ko. Naglaba muna ako ng mga damit namin at mamaya naman ay lilinisin ko na naman ang ibang kwarto at ang sala.
Iniwan ko muna ang washing machine na kasalukuyan iniikot ang mga labahin ko. Washing machine ang gamit ko kasi mga de color naman ang mga labahin at ang mga puti naman ay sa kabilang washing machine na din. Tatlo kasi ang washing machine at medyo hindi na namin nagagamit kasi nagpapalaundry sina Ate. Sayang naman kung may washing machine pero hindi naman ginagamit. Kaya naman ginamit ko na.
Sus, excuse mo, Faye. Sabihin mo tamad ka talagang kamayin ang mga labahan. Milyonarya ka ghorl?
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :