CHAPTER 74

2.2K 104 12
                                    

Nakaupo ako sa sahig dito sa loob ng kwarto ko habang nakatulala sa kawalan.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Alam niyo 'yung feeling na, parang bigla mo na lang hindi maintindihan ang paligid mo? 'Yung parang nakalutang ka nalang sa dinami-dami ng iniisip mo. Ganun 'yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng sagutan namin ni ate ay dumiretso na ako sa dito sa kwarto ko. Buti nalang at tapos na kaming kumain ng mga anak ko kanina sa opisina kasi wala talaga akong ganang kumilos sa ngayon. Parang gusto ko lang tumahimik at magpakalunod sa dami ng iniisip ko.

Saan ba kasi nagkaproblema?

Saan ba nagkaproblema at bakit naging ganito ang lahat?

Bakit?

"M-momma?

Napabaling ako sa pinto ko nang marinig ang boses ng anak ko.

Nakita kong nakatayo sila sa gilid ng pinto. Ni hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala sila.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko at nginitian sila bago lapitan.

"B-bakit, b-babies?"

"We want to sleep with you, mommy." Ani ni Alastair.

Napangiti ako. "Sure. We'll sleep together." Napansin kong nakabihis na rin sila ng ternong pajamas nila. "Magbibihis lang si mommy, huh? Intayin niyo lang muna ako. Mauna na kayong mahiga doon." Sabay nguso ko sa kama ko, pero hindi sila kumilos. Nanatiling nakatayo lang sila habang nakatingin sa akin.

"You don't have to be alone, mami." Natigilan ako nang marinig kong sinabi iyon ng anak kong si Aphelion. "That's why Papa God gave us to you so that you wouldn't be alone." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"That's our purpose, mimi." Naiiyak na sabi ni Ashford.

"So don't pretend to be okay, anymore. We can be with you when you're sad and alone, mommy."

"I love you, momma!" Tuluyan na akong napahagulhol nang yumakap si Agapov sa akin na sinundan din ng iba ko pang mga anak.

I am so lucky to have these four.

"I'm so happy to have you. I-I'm so lucky to b-be your mom." I said while crying.

"And we are lucky to be your children, mami." Ani ni Aphelion.

Hindi ko alam kung deserve ba ng isang katulad kong tao na walang ibang ginawa kundi ang magtago at matakot na masaktan at maiwan, ang mga batang ito.

Sabi nila na may plano ang Diyos para sa ating lahat. Na lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangang ganito kasakit.

Alam kong may mga taong mas malaki at masakit ang mga problema na dinadala kesa sa akin. Kaya nga kahit sobrang sakit at pagod na pagod na ako ay hindi ko magawang sisihin ang Panginoon. Siguro minsan nagrereklamo na ako pero natural lang naman yun sa tao, diba? Na kapag pagod na sila o hindi nila gusto ang mga nangyayari ay magrereklamo at magrereklamo talaga sila.

Nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ng cellphone ko hudyat na may tumatawag. Napabaling ako sa mga anak ko sa magkabilang gilid ko at wala sa sariling napangiti.

They are really a blessings to me. I said in my mind.

Napabalik ako sa sarili nang patuloy pa rin sa pag-iingay ang cellphone ko.

Umupo ako at inis kong inabot ito at tiningnan ang Caller's ID. Napakunot ang noo ko nang makitang ang demonyo ang tumatawag at nang tingnan ko ang oras ay 4:38 am palang! Ano na namang kademonyuhan ang sumapi sa taong 'to at sobrang aga ng pambubulabog?!

SOMEDAYWhere stories live. Discover now