"Faye..."
Napatigil ako sa paglalakad at walang emosyon na hinarap siya.
Kadarating lang namin sa building ng bahay namin dahil nag-insist ang demonyo na ihatid kami ng mga bata kahit tudo tanggi na ako sa kanya, ayaw parin magpaawat.
"What?"
"Uhm... I saw you and George kanina."
Napataas ang kilay ko. Eh ano naman ngayon kung nakita mo kami? Kahit kailan may pagka atribida din 'tong demonyong 'to eh. "So?"
Tumikhim siya at mukhang tanga na hindi makatingin sa akin. "What d-did you two talked about?"
"At ano naman po ang kinalaman niyo sa pinag-usapan namin, Mr. Idelson? Sa pagkakaalam ko po, labas na po kayo sa kung ano man ang pinaggagawa ko sa buhay, po."
This time, deritso at seryoso na siyang tumingin sa akin kaya naman hindi ko maiwasang bahagyang magulat. Pero syempre dapat cool lang.
"I'm... I'm just concerned. Galit siya sa akin and after our last meeting ay hindi pa kami nag-uusap. Maybe, saktan ka niya para makaganti sa akin?" Patanong pa niyany sabi na parang hindi siya sure sa mga pinagsasabi niya.
Nabuang na talaga.
Napakunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit naman niya ako sasaktan para makaganti sayo? At tsaka isa pa, hindi ako ang may atraso sa kanya kundi kayo. Kaya pwede ba, huwag mong sinisiraan 'yung tao." May diin kong ani.
"I'm just saying, okay! He knows that you're my wife and the mother of my children. Maybe, may pinaplano siya na masama sa iyo para gamitin ka niya at makaganti sa akin!"
Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ng taong 'to.
"Pwede ba, huwag kang mapagbintang! Ikaw mismo ang nagsabi na alam niya na ako ang ina ng mga anak mo at correction lang huh, ex-wife mo na sinaktan mo, ginago mo, at niloko mo!"
Natigilan siya at parang natameme.
"Pwede ba, Hardison. Pagod na pagod na ako sayo. Hinding-hindi kita maiintindihan at hinding-hindi kita iintindihin. Matagal ka ng walang papel sa buhay ko, at nag-uusap at nagkakasundo nalang tayo para sa mga bata. Kaya pwede ba, please lang kahit 'yun na lang huwag mo nang sirain at gawin pang komplikado!"
Tatalikod na sana ako nang mapahinto ako sa sunod niya sinabi.
"Mahal kita..."
Napalingon ulit ako sa kanyang at nakitamg deritso parin siyang nakatitig sa akin habang namumula ang mga mata.
"...at natatakot ako. Faye, t-takot na takot na ako. Hindi ko alam kung para saan ang takot na nararamdaman ko basta ang alam ko lang natatakot akong makalimutan mo."
Nasaksihan ko ulit ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa pisngi niya.
"N-natatakot ako na baka wala na akong puwang diyan sa puso mo."
Kung alam mo lang.
"Natatakot ako na baka pagkagising nina Howell mabalewala na naman ako."
Napatampal siya sa kanyang noo habang patuloy parin sa pag-iyak at pagsasalita.
"Ngayon pa lang nababalewala na ako. P-paano pa kaya paggising na sila? Masama na kung masama pero ayaw ko pang magising ang mga kapatid ko! Ayaw ko pang maagaw na naman nila kayo sakin! A-ayaw ko na!"
Nakamaang akong nakatingin sa kanya at nakikinig.
"Hardison..."
Lumuluha siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Faye, natatakot ako."
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :