CHAPTER 50

3.3K 113 29
                                    

Kinain kami ng katahimikan pagkatapos ng sinabi ko.

Nabasag lamang iyon nang magsalita si Drew at maluha-luhang tumingin sa akin.

"F-Faye, sorry. H-hindi ko naman alam na tototohanin niyo talaga." Ramdam ko ang guilt sa kanya.

Mabilis akong umiling at inabot ang kamay niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at nginitian ko siya.

"Okay lang. Ano ka ba. At saka, kung plano talaga ng panginoon na mangyari iyon. Gustuhin man natin o hindi, mangyayari at mangyayari pa rin iyon. Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo. At saka, kung hindi nangyari iyon, wala akong apat na anghel ngayon sa buhay ko." Pagpapaintindi ko sa kanya.

"That asshole. Dahil lang ba sa dare iyon kaya niya iyon ginawa? At saka, hindi naman kasali sa dare na hiwalayan ka niya eh! Kaya bakit niya..." Hindi maituloy ni Klare ang sasabihin.

Binalingan ko siya at magpait na ngumiti. "Sa totoo lang, ako ang nakipaghiwalay sa aming dalawa."

Napatigil sila at napatingin sa akin.

"Bakit, Faye?" Tanong ni Loui.

Napayuko ako. "K-kasi, alam kong simula pa lang ay hindi naman niya talaga ako mahal. Hindi niya ako minahal. Ayaw ko din siyang ikulong sa isang relasyon na hindi naman niya gusto. At saka isa pa, ayaw ko na ding patayin ang sarili ko sa sakit, sa tuwing dinadala niya ang babaeng mahal niya s-sa bahay." Naluluha na ako at gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko.

Wala naman sigurong masama kung ikwento ko sa kanila ang mga nangyari noon diba? Hindi man lahat pero atleast kahit konti lang? At saka isa pa, kailangan ko rin ng may malabasan ng sama ng loob at sakit. Kaibigan ko naman sila kaya sa tingin ko ay okay lang kung ikwento ko sa kanila ang mga nangyari hanggang sa huling naaalala ko.

"M-may iba siyang babaeng dinadala sa bahay niyo noon?" Gulat na tanong ni Loui.

Tumango ako at pagak na natawa. "Oo. P-pero kalimutan na natin 'yun. Kung maibabalik man ang panahon, pipiliin ko pa ring gawin ang parehong desisyon na ginawa ko noon. Dahil kung ano at kung saan man ako ngayon, ito ay dahil sa mga naging desisyon ko noon. H-hindi naman masyadong malungkot at pangit ang kinalabasan diba?"

"Hayst. Huwag na nga nating pag-usapan ang nakaraan. Past is past. No matter how much you regret what you did back then, that will never change the fact and it will never change anything." Ani ni Jake.

"Yeah. Kalimutan na natin 'yun. Move-on move-on din pag may time. Ano ba kayo." Biro ko pa.

Sandali pa silang natahimik pero kalaunan ay tumango rin tanda na sumang-ayon sila. Dahil nasa bufft restuarant kami ay hindi na namin kailangang tumawag pa ng waiter para kunin ang mga orders namin dahil kami na mismo ang gagawa nun para sa sarili namin. Kumuha ang mga boys ng mga kanin at ulam habang kami namang mga babae ay drinks at desserts. Nag-enjoy pa ako dahil kinuha ko talaga iyong mga pagkain na minsan ko lang matikman. Lalo na ang paborito kong buko pandan. Shete, naglalaway na ang bagang ko.

Nang makumpleto na nag mga pagkain ay bumalik na kami sa mesa namin at inilapag iyon at nagsimula na kaming kumain. Puno ng tawanan at kwentuhan ang mesa namin at kami lang ata ang pinakamaingay sa loob. Well, maingay naman talaga pero parang kuha namin ang atensyon ng iba talaga. Well, hindi ko rin naman maipagkakaila na ang gwa-gwapong mga lalaki ang kasama namin ngayon kaya naman napapatingin talaga ang ibang dalaga at babae sa table namin dahil sa kanila. Sana all.

Habang kumakain kami ng desserts ay napag-alaman kong happily married na pala sina Drew, and Kyper. Si Kyper ay may dalawang anak na puro lalaki, dalawang taong gulang at apat na taong gulang. Habang si Drew naman ay iisang babae na tatlong taong gulang. Mukhang mangyayari talaga ang dare nila nag maging magbalae in the future. Pero hindi naman daw nila pipilitin ang mga anak nila. Itatry lang daw. Kung magwowork ay maayos, kung hindi naman ay maayos pa din. Nasa mga bata na daw ang desisyon.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now