CHAPTER 12

4.1K 139 24
                                    

Dali-dali kong pinulot ang doll shoes na binato ko kanina at dali-dali ko itong sinuot at tumayo.

I can see my future!

"Oh, saan ka pupunta?!" Tanong ni Clara.

"Kay, Howell! Ayun oh!" Sabay turo ko sa direksyon nito.

"Ayun! Diyan tayo magaling eh!" Si Loui pero hindi ko na pinansin.

Dali-dali akong lumapit sa direksyon ni Howell! Putakte! Nami-miss ko 'tong lalaking 'to! Kahit kakakita lang namin kahapon ay namiss ko pa rin siya.

"HOWELL!" Tawag ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin. Kumaway ako sa kanya pero bahagyang kumunot ang noo niya.

Ano na naman problema neto?

"Hoy! Bakit hindi ka pumasok sa subjects na magkaklase tayo! Tampo na 'ko sayo!" Pinalo ko siya sa braso nang makalapit ako sa kanya.

Hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo niya. Wala na naman ba 'to sa mood 'tong lalaking 'to?

"Oh, ano na?!" Pukaw ko sa kanya.

Tila na liwanagan siya sa sinabi ko, kaya naman ay ngumiti siya.

Peste! Ayan iyong ngiti na nagpahulog sa akin eh! Ngiti na nagpalago sa aking nararamdaman para sa kanya.

Wah! May masabi lang! Hahaha.

"Uhm..." Kinamot niya ang kanyang mapupulang labi na parang hindi niya alam ang sasabihin.

Peste! Gusto kong halikan ang mga labing iyan! Pa-isa lang sana!

Iniwaksi ko ang aking isipan mula sa tukso at baka hindi na ako makapagpigil. Chour! Ako pa talaga ang hindi makapagpigil huh!

"I had some importants things to do... earlier. That's why." Paliwanag niya.

Medyo nanibago ako sa pagkalalim ng boses niya ngayon. Iba din 'tong isang 'to, paiba-iba na nga ng mood, paiba-iba pa ng boses. Pero hindi ko na pinansin 'yun kasi nasanay naman ako sa kanya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now