Kanina pa nagsimula ang party at marami akong nakasalimuha na mga bagong mukha at bigating mga tao.
Kumakain lang ako sa mesa namin habang sina Tita at ang iba ko pang mga pinsan kasama ang mga pamilya nila ay nag-iikot at nakikipag-usap na sa mga kakilala nila at sa mga tao.
Nasa tabi ko lang ang tatlo kong anak at naglalaro ng mga tablet nila. Alam niyo ba kung anong ilalaro nila? Investigator at iba pang mga laro na may mystery-mystery. Ewan ko ba pero napakaseryoso ng mga mukha nila habang naglalaro. Ako nga na mommy nila ay natatakot na madisturbo sila sa habang naglalaro.
"Ate, punta lang akong restroom." Paalam ni Fykes sa tabi ko.
Tinanguan ko lang siya at bumalik na sa pagkain ng macaroni. Kanina pa kami tapos kumain pero nagugutom pa rin ako. Si Agapov naman ay kasama si Caleena at ang iba pa nilang mga pinsan na nakikipaglaro sa ibang mga bata na anak ng ibang mga guest. Hindi naman ako nababahala dahil kasama naman nila ang mga nanny nila.
Nabulabog lang ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng sigaw.
"EH PUTANGINA KA PALA EH!" Kilalang-kilala ko talaga ang boses na 'yun. Boses iyon ng nag-iisa kong nakakatandang kapatid.
Napatayo ako at inilibot ang tingin para mahanap kung saan nanggaling ang boses na 'yun. At nakita ko ang isang kumpol ng tao. Dali-dali akong umalis sa kinuupuan ako at naglakad patungo doon. Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao para daluhan ang kapatid ko. Nang makarating na ako sa harapan ay nakita ko ang pamangkin ko na basang-basa ang damit at umiiyak habang yakap ang anak kong si Agapov.
"What's happening here?" Tanong ko habang inililibot ang paningin.
Bukod sa may basag na wine glass at basang-basa na pamangkin ko ay wala na akong nakitang ibang kalat pa.
"Well. Nice too see you again, Faye." Sarkastikong tinig ng babae.
At nang iangat ko ang paningin ko ay nakita ko ang pamilyar na babae. Nang tingnan ko ang katabi niya ay nakita ko si Howell at sa harap nila ay isang batang babae na naka-cross arm habang nakatingin sa umiiyak na si Caleena.
Tinaasan ko siya ng kilay. Eh ang taray eh! Ang sarap ipalapa sa shark. Kaso walang shark dito.
"Do I know you, Miss?" Mataray ko ding sabi sa kanya.
"Hah! Don't pretend that you don't know me, Faye. Dahil kilalang-kilala mo 'ko." Sarkastiko siyang tumawa. Habang si Howell naman sa tabi niya, ay tahimik lang habang nakatingin sa akin. Iniripan ko siya at mataray na tiningnan ko ulit ang sa tingin ko ay bagong asawa niyo.
"I don't have to pretend because I really don't know you. Or should I say, I easily forget those unworthy people." Diniinan ko talaga ang salitang 'unworthy' sabay sulyap din kay Howell.
"Oww. Really? Then---" Hindi ko na siya pinakinggan pa at hinarap ang kapatid ko na namumula na sa galit.
"What happened, ate?" Tanong ko.
"Eh iyang ahas, na animal na yan eh! Nakatakas ata sa zoo! Tinapunan niya ng wine si Caleena!" Galit na sabi ni Ate.
"It's because, your daughter is so stupid! Tinapakan ng suwail na anak mong yan ang gown ng anak ko!" Sabi naman noong asawa ni Howell.
"Excuse me! Kung hindi ka nag-aral, ay maiintindihan ko talaga, na hindi mo alam ang pinagkaiba ng salitang 'tinapakan' sa salitang 'natapakan' ! Tanga lang, teh?" Hindi papatalong sabi ng kapatid ko.
Yumuko ako at hinarap ang pamangkin ko na medyo tumahan na.
"Baby, tell us what really happened." I softly ask her.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :