CHAPTER 26

5.7K 224 121
                                    

"Hi, Faye. I'm Hibben Lukyn... Hyde Idelson. And you will know me soon."

( A / N : Hibben pronounce as Hay-ben. Lukyn pronounce as Lu-kin. Hehehe.)

Nakangiting tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Faye Isabelle Reyes Martinez..." Pagpapakilala ko din naman habang nagshi-shake hands.

Nagbitiw na kami ng mga kamay.

Napanguso ako nang tumawa siya. Ang lutong ng tawa niya. At ang rahan ng boses niya.

"Saan pala ang asawa mo, Faye?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yun pero parang may diin talaga ang pagkakasabi niya nang 'asawa mo'.

"Patay na." Malungkot kong sabi.

Narinig ko siyang bumungisngis. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay kita ko ang pagpipigil niya ng tawa.

Teka! Parang masaya pa 'to na patay na ang asawa ko eh!

Tinaasan ko siya ng kilay. Nagtataray ba!

"Why are you laughing?" Mataray kong sabi.

He shaked his head while gesturing his hand saying 'it's nothing'.

Maya-maya pa'y tumigil na din siya sa pagtawa at pag-bungisngis.

Naiiling siyang nangingiti pa rin.

"Namamatay din pala ang masamang damo?" Mahinang bulong niya kaya hindi ako sure sa narinig ko.

"Ano namang kinalaman ng asawa ko sa masamang damo?" Inosenteng tanong ko.

Wala kasi akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.

"Nagpa-membership kasi siyang doon. VVVVIP pa nga eh. Psh!" Singhal niyang sagot sa akin.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano na namang membership at VVVVIP ang pinagsasabi ng isang 'to? Nakakalito at ang sarap na iuntog ng ulo niya sa mga sunflowers. Char! Hehehe. Ang gwapo pa naman ni Kuya.

Habang nakatingin sa mukha niya ay parang may mabilis na nagflash na mga alaala sa akin.

"Fine!" Pagsuko niya at bumangon na. "Magbibihis muna ako!"

"Huwag na! Gwapo ka na kahit walang ligo at bagong gising! Ikaw ang pinaka-gwapong lalaki sa balat ng lupa!"

Ewan ko ba kung namalikmata lang ako o totoo talaga na nakita kong ngumiti siya sa akin.

Hahaha! Ngumiti siya.

"Ouy. Huwag kiligin masyado!" Pang-aasar ko sa kanya.

"I'm not!" Deny niya kahit na lumalaki na ang butas ng ilong niya. Hahaha! Huli!

"Sus. Lumalaki ang butas ng ilong mo! Huwag mo nang i-deny. Masyado kang halata! Hahaha!" Pang-aasar ko pa sa kanya.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now