CHAPTER 44

5K 198 92
                                    

Anong ginagawa niya dito?

Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita at naiiyak ako. Pero pinilit kong tatagan ang sarili ko para hindi maiyak sa harapan niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Nanginginig kong tanong sa kanya.

Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay wala sa sariling napaatras.

"F-Faye, can we talk? Please." Mahihimigan ang pagmamakaawa sa boses niya.

Hindi ko alam pero parang naging bato na ata ako.

"Nag-uusap na nga tayo, diba?" Pambabara ko sa kanya.

Marahas siyang lumunok at nagtiim-bagang. Para bang nauubusan na siya ng pasensya pero wala kong pakealam. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya?

"Don't be like this, Faye. Let's talk." Nawala na ang maamo niyang mukha kanina at ang marahan niyang boses. Napalitan na iyon ng malamig niyang mukha at matigas niyang pananalita.

"Let's talk? Bakit? Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Ah, mali. Ano ang pag-uusapan natin, Howell?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"About my rights."

"Rights?" Sarkastiko akong natawa. "What rights, do you mean?"

"Tungkol sa mga anak natin."

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. At masyado naman atang makapal ang mukha ng isang 'to.

"Anak natin? Hah! Wala tayong anak, Howell. Anak ko lang. Mga anak ko." May diin kong sabi.

"Don't be so immature, Faye. Anak ko din sila! Hindi lang ikaw ang bumuo sa kanila!" Marahas niyang singhal sa akin.

"Wala kang anak! Nawalan ka nang karapatan sa kanila, simula nang mangaliwa ka!" Sigaw ko pabalik sa kanya na nagpatigil sa kanya.

"Hindi ako nangaliwa."

"Hindi ka nangaliwa? So, ano? Kumanan ka lang, ganun?" Pamimilosopo ko.

"Wala na akong dapat pang ipaliwanag sayo. Ang mga anak ko ang kailangan ko. Hindi ikaw." Parang may tumarak na milyon-milyong karayom sa sinabi niya. Samahan pa ng malamig niyang tingin.

Naikuyom ko ang aking kamao para makapigil. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. Ayaw kong makita niya akong mahina. Sapat na siguro ang sakit na ibinigay niya sa akin noon.

Tama na, Faye. Awat na.

"Wala kang makukuha sa akin. Kahit pa maglaban tayo sa korte. Hindi kita uurungan." Akmang tatalikod na sana ako para maglakad papalayo sa kanya dahil konti na lang ay mahuhulog na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pero hindi pa nga ako nakakahakbang nang pigilan niya ako sa braso.

"P-please, Faye. Please." Narinig kong nabasag ang boses niya at nang lingunin ko siya nakayukong lumuha siya.

Hindi ako nagsalita at pinanood lang siya.

Tangina. Parang doble ang sakit na nararamdaman ko habang pinapanood at nakikita siyang umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang umamo ang mukha niya. Hindi ko siya maintindihan. Ang dali lang magbago ng emosyon niya. Kanina ay madilim at malamig ang mukha niya. Ngayon naman ay maamo at nakakaawa.

Napasinghap ako nang walang sabi-sabing lumuhod siya sa harapan ko.

"A-anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan."

Pero umiling lang siya at patuloy na umiiyak. "P-please, Faye. Let me see my children. I... I want to see them, Faye."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pero sadyang traydor ata ang mga luha ko at gustong magpasikat. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko kahit anong gawing pagpipigil ko.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now