CHAPTER 90

966 21 27
                                    

Kinain kami ng katahimikan.

Tila nasa kanya-kanyang mundo. Naluod sa malalim na iniisip dahil lamang sa katanungang nabuo mula sa pag-uusap namin kanina.

Nagkataon lang ba talaga ang pagtatagpo naming dalawa?

O baka naman tadhana talaga ang may gusto sa aming pagkakilala?

O baka planado lang talaga ang lahat simula una palang?

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Hardison. "Alam na ba talaga natin ang lahat? O malayo pa tayo sa katotohanan?"

Huminga ako ng malalim. "Baka masyado lang tayong nag-iisip. Baka nagkataon lang talaga ang lahat. Minsan kasi, nangyayari 'yung mga bagay na hindi natin inaasahan. Kaya siguro ngayon lang lumabas ang mga 'to. Tama."

Hindi ko alam kung ang kasama ko ba ang kausap ko, o ang sarili ko na pilit pinipigilang bumuo ng mga ideyang mahirap paniwalaan.

"Siguro nga."

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo bago siya balingan na sinundan pala ang pagtayo ko.

"Saan ka pupunta?"

Inayos ko muna ang sarili ko bago siya taasan ng kilay. "Pake mo?"

Kumunot ang noo niya. "We were okay earlier, right?" May pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

"Tsk." Hindi na ako nagsalita at nauna nang malakad pabalik sa loob ng hospital.

Baka hinahanap na ako ni papa.

"Wait, Faye!"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. I saw how his eyes move uncomfortable. Like he wanted to say something, but at the same time can't.

"Ano?" Naiinip kong tanong.

"Can we go to the nearest coffee shop? My treat!" He said.

"I hate coffees." Maikling sagot ko bago nagsimulang maglakad ulit.

Pero sadyang makulit ata talaga ang taong 'to, hinding-hindi talaga ako titigilan.

"No, you don't. Tandang-tanda ko pa nga na ginagawa mong tubig ang kape noon, eh." Pangungulit niya habang nakahawak siya sa kanang braso ko.

Mahina kong tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at inikutan siya ng mata. "That was all in the past now. Time changes, so does people. At saka pwede ba, don't act like we're close or we're okay now. Because I'm just being civil to you for the sake of our past relationship."

Napayuko siya at napakagat ng labi. Agad kong pinagsisihan ang mga sinabi ko dahil kahit anong gawin ko ay alam kong may puwang parin ang awa sa aking puso.

Napaiwas ako ng tingin at nauna nang maglakad ulit pero sa salungat na dinaanan ko kanina.

Nang ilang hakbang na ang nagagawa ko ay hindi ko parin nararamdaman ang kanyang presensya sa likod ko ay tumigil ulit ako at inis siya nilingon.

Mukha parin siyang tanga na nakatungo at hindi gumagalaw sa pwesto niya.

"Ano ba?! Tutunganga ka nalang ba diyan?"

Nagtataka siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Ha?"

"Magkakape ba tayo o hindi? At saka, sabi mo libre mo. Hindi naman ako ganun kasama para tanggihan ang grasya. Tss. Dalian mo na at baka magbago ang isip ko!"

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya at mukhang tangang nakangiting naglalakad palapit sakin.

Mabilis na akong tumalikod at nauna na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOMEDAYWhere stories live. Discover now