It's been a month.
7 months na ang tiyan ko! Dalawang buwan na lang at mangangak na ako! Masisilayan ko na ang mga munti kong anghel.
Pero habang lumilipas ang mga araw ay hindiko din maiwasang malungkot at matakot.
Dahil habang tumatakbo ang mga oras ay nababawasan ang mga oras na makakasama ko siya. Nalalapit na ang pang-apat na buwan. Iiwan niya na ako. Aabandunahin niya na kami.
"Ingat ka, asawa ko!" Pahabol ko sa kanya ng lumabas na siya para pumasok sa trabaho.
Bumalik na naman kami sa dati.
Ako na inaasikaso siya at siya naman na malamig parin ang pakikitungo sa akin.
Pero diba? Possible namang matunaw ang yelo kung ang kaharap o kasama ay apoy o mainit.
Ang hot ko kaya! Chour.
Hehehe. Magpapasama ako ngayon kay Sam pumunta ng mall! Mamimili kami ng mga gamit ng babies namin! Hehehe. Excited na ako!
Sasama dapat si Michael sa amin pero sinabi ni Sam sa asawa na MOMMIES MOMMENT daw 'to. Makamoment naman.
Susunduin ako ni Sam ngayon. Magpapahatid na lang daw kami sa driver nila. Ayaw nga pumayag ni Sam dahil gusto niya dawng maranasan mag commute pero nagpumilit si Michael dahil nag-aalala siya sa asawa at ang sabi pa niya ay pareho kamung buntis ni Sam at baka daw kung anong mangyari sa amin.
Well, agree naman ako sa kanya. Talaga namang delikadong magcommute ang buntis sa mga siksikan na sasakyan lalo na't walang kasiguraduhan kung makakaupo ka ba ng maayos.
Naligo na ako at nagbihis. Black leggings at mint green na over size shirt ang suot ko. Para ngang dress na ang t-shirt dahil umabot hanggang hita ko. Hanggang itaas naman ng siko ang sleeves niya. Nagsuot din ako ng rubber shoes. Nagdala din ako ng maliit na shoukder bag na ang laman ay cellphone ko at wallet lang.
Buti at binigyan ako ng pera ni Howell sa isang araw. 10K binigay niya sa akin.
Titipirin ko talaga ang mga pera na ibinibigay niya kasi minsan lang siya kung magbigay sa akin.
Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang biglang may tumunog na cellphone.
Hinalukay ko ang bag ko pero hindi naman sa akin iyong tumutunog.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tumutunog na cellphone at nakita ko ang cellphone ni Howell na bahagyang natabunan ng unan kaya hindi agad makikita.
Kinuha ko iyon at may tumatawag nga.
Hibben is calling...
Iyon ang nakalagay na ID ng caller.
Tumigil din naman ang tawag at akmang ilalapag ko na ang cellphone sa side table nang tumunog na naman ito.
Sinagot ko ito at hindi nagsalita.
"Hello there, Hardison..." Lalaki ang boses. Pamilyar ang boses niya.
"H-hello?" Sagot ko.
"Who are you, Miss?" Pamilyar ang lamig ng boses niya.
"Ah. Cellphone 'to ni Howell. Naiwan niya sa bahay. Ako nga pala si Faye... ang asawa niya."
"F-Faye?" Parang kakaiba ang pagtawag niya nang pangalan ko.
"Oo, ako si Faye. Asawa ni Howell. Nasa trabaho kasi siya. Naiwan niya 'tong phone niya."
"How could Howell be there when he's---" hindi ko na narinig ang sinabi niya ng biglang may humablot ng cellphone.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :