Mabilis kong inayos ang sarili at naglagay ng manipis na kolorete sa mukha para magmukhang fresh naman ako. Para kahit papaano ay hindi naman halata na mommy na ako. Ang ganda ko kaya 'no! Chour.
Sakto namang patapos na ako nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Jake. Address iyon ng meeting place namin.
Inaayos ko na muna ang sarili ko sa huling pagkakataon bago kunin ang maliit kong bag na naglalaman ng pera at phone ko pagkatapos ay bumaba na at lumabas ng penthouse.
Naka-dress lang ako na hanggang siko ang sleeves at hanggang itaas ng tuhod ang haba. Kulay red iyon at hapit na hapit talaga sa makurba kong katawan at medyo may kalakihan kong dibdib. Hindi naman siya pamparty na damit. Sobrang simple lang niya at panggala lang talaga siya. Naka-cycling ako at nakarubber shoes na white. Tapos pinotail ko na rin ang may kahabaan kong buhok dahil naguguluhan talaga ako. Gusto ko sanang magpagupit kaso nasasayangan naman ako.
Pagkalabas ko ng building ay pumara na ako ng taxi at sinabi na ang aking destinasyon. Habang bumabyahe ay hindi ko maiwasang magtanong sa aking isipan.
Kumusta na kaya sila?
May mga pamilya na din kaya sila?
Masaya ba sila?
Iyan ang mga tanong na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Nababahala ako na baka husgahan nila ako at pagtawanan sa mga katangahang ginawa ko noon. Kung si Howell nga ay nagbago pagkatapos ng tatlong taon. Sila pa kaya na matagal pa sa tatlong taon na hindi ko sila nakita at wala akong balita sa kanila.
"We're here." Anunsyo ng taxi driver nang tuluyan nang tumigil ang taxi.
Ni hindi ko man lang napansin na kanina pa pala tumigil ang taxi na sinasakyan ko sa kung saang lugar ako nagpapahatid. Nakakatanga lang.
Nagbayad muna ako kay Manong Driver bago lumabas ng taxi at kagat labing naglakad patungo sa hamba ng restaurant.
Sa isang sikat na buffet restaurant ang meeting place na itinext ni Jake sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad sa hamba ng resto.
Kinakabahan talaga ako. Umatras na lang kaya ako? Tapos sabihin ko na na busy lang ako o di kaya'y masama ang pakiramdam ko. Eh kaso nasabi ko na kay Jake eh. Paniguradong nasabi niya na rin sa ibang kabarkada namin. Hindi naman ako paasa 'no! Bad 'yun. Chour.
Pero kasi eh---
Bahagya akong napatalon nang tumunog ang cellphone ko sa loob ng sling ko. Dali-dali ko iyong kinuha para tignan at nakitang tumatawag si Jake.
Nag-aalinlangan pa ako kung, sasagutin ko ba o hindi? Pero kalaunan ay ginawa ko ang nauna.
"H-hello, Jake?"
"Faye! Asan ka na? Andito na kami sa resto! Maaga talaga kami pumunta dito kasi itong mga timawa nating mga kaibigan ay ang aatat na makita ka na talaga."
Mahihimigan ng kasiyahan talaga ang boses ni Jake habang nagsasalita siya galing sa kabilang linya. At nakakaawa. Ayaw ko silang paasahin at i-disappoint, dahil naranasan ko na 'rin iyan. At masasabi kong hindi talaga biro at hindi talaga maganda ang pakiramdam na pinaasa o umasa. Kasi minsan natatanong natin ang sarili natin kung saan tayo nagkulang? O di kaya'y anong problema sa akin? At iba pa.
"Hey, Jake! Is that Faye? Where is she now? On the way na ba siya?" Rinig kong tanong ng kung sino sa kabilang linya. Siguro ay isa sa mga kaibigan namin na kasama na ni Jake sa loob.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :