CHAPTER 1

7.8K 187 279
                                    

Hindi ko na lamang pinapakinggan ang mga hindi kaaya-ayang mga ingay na naririnig ko galing sa kwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Nasa kusina ako ngayon. Nagluluto ng pagkain para sa dalawa na nasa kwarto.

Nagluluto ako ngayon ng beef steak na paborito ni Howell habang hinihimas ang anim na buwan ko ng tiyan.

Simula ng magbuntis ako, ay parang naging paborito ko ng lugar ang kusina dito sa bahay. Feeling ko kasi ay iyon na lang ang maitutulong at magagawa ko para sa asawa ko. Palagi kasi siyang pagod sa trabaho. At minsan ay wala na talaga siyang oras para kumain at magpahinga man lang.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto at mga yabag na pababa sa hagdan.

Inihanda ko na ang mesa para sa kanila at para na rin makakain sila.

"Howell! Tamang-tama, tapos na akong magluto. Kumain na kayo!" Magiliw kong anyaya sa kanila habang inihahanda na ang mga kubyertos.

Umupo na sila sa mga silya nila at pinagsilbihan ko na sila.

"Beef steak?" Tanong ni Howell habang nakatingin sa pagkain.

"Oo, paborito mo. Hehehe. Matagal-tagal na kasi simula nung kumain ka ng mga paborito mong pagkain. Kaya naisipa--"

"Get out." Malamig niyang sabi na hindi man lang ako tinitingnan.

"H-ha?"

"I said get out. Kakain na kami."

"A-ah. Sige. Tawagin niyo lang ako, pag may kailangan kayo huh?"

Hindi na niya ako sinagot at pinagsilbihan niya na ang babaeng kasama niya. Ang first love niya.

Napatingin ako kay Mia. Nakataas ang isang kilay niya at may mapanuyang tingin.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Ang mahalaga sa akin, ay naipagluto ko ng paboritong pagkain ang asawa ko.

"Eat faster, baby. Pumapayat ka na." Huli kong narinig na malambing na sabi ni Howell hanggang sa makarating na ako sa kwarto namin.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay makalat iyon, at maraming katas ni Howell na nakakalat.

Nagsimula na akong maglinis at magpalit ng mga bedsheets. Pagkatapos kong malinis ang kwarto namin ay naligo na ako at nagbihis.

Pupunta kasi kami ng asawa ko sa clinic ngayon para sa checkup ko. Hehehe. Medyo, nakakakilig. Ito ang unang check-up ko sa anim na buwan kong pagbubuntis. Masyado kasing busy ang asawa ko sa kompanya. Hehehe.

Oo! Mayaman kami! Hehehe. Ang asawa ko lang pala. May-ari siya ng shipping line company. May iba't ibang branches na rin sa iba't ibang parte ng mundo. Hehehe. Asawa ko yan!

Mag-iisang taon na kaming mag-asawa ni Howell. Howell Laker Hyde Idelson. Diba ang taray ng pangalan?! Hahaha. Sobrang proud na proud talaga ako sa kanya! Hehehe.

Pagkatapos kong magbihis at lahat-lahat ay bumaba na ako dala ang maliit kong sling bag na cellphone, at wallet lang ang laman.

Pagkababa ko ay naabutan ko sina Howell na papalabas na ng pinto.

Sumunod na rin ako, baka kasi masabihan pa ako na pabagal-bagal. Hindi pa naman gaanong mabigat ang tiyan ko.

Nang mapansin ako ni Howell ay napatigil siya sa paglalakad. Huminto na rin ako sa harapan nila na may malaking ngiti sa mukha. Bakit ba? Eh, excited na ako sa check-up ko.

Kumunot ang noo ni Howell habang nakatingin sa akin. Ang cute niya talaga pag-ganyan siya. Hehehe.

"Where are you going?" Takang tanong ni Howell.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now