CHAPTER 81

1.5K 72 11
                                    

Parang umikot 'yung paningin ko sa nakita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman o kung bakit parang halo-halo ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapaliwanag.

B-bakit at paano?

All this time I thought si Hibben lang ang kakambal ni Howell, then what is this? Ano 'tong nakikita ko ngayon?

So, ibig sabihin apat talaga sila at parehong-pareho pa ang mga mukha nila. Nakatayo silang apat sa likod nina Mrs. and Mr. Idelson na parehong eleganteng nakaupo sa unahan.

I can't almost recognize which one of them is Howell. But when I saw his dark and familiar aura, I could tell na si Howell ang napinapagitnaan ni Hibben na nasa kanan ni Howell at ng kung sino man na nasa kaliwa niya.

They all have the same faces but their aura and expressions they have are so different. Mapaglaro at masaya ang aura at expression ni Hibben sa litrato. Ang ekspresyon naman ni Howell ay madilim at mabigat. Ang kapatid nila na katabi ni Howell ay may maliwanag at magaan na expression. At ang panghuli nilang kapatid na nasa kanang bahagi ng litrato ay parang magaan din ang aura ngunit hindi nakatakas sa akong paningin ang lungkot at pait sa kanyang mukha, I can also see longing in his eyes.

I don't know what to say or how to react anymore. Gusto kong sugurin si Howell ngayon para gisingin at ipaliwanag ang mga ito. He never mentioned to me na may mga kapatid pala siya. Ni hindi ko nga malalaman na may Hibben kung hindi kami aksidenteng nagkita noong may amnesia pa ako eh. I want to talk to him right now but I feel drained. Hindi ko pa alam kasi parang pakiramdam ko ay may masamang mangyayari or should I say nangyayari ngayon. Cause he wouldn't lie and hide all of these from me without any reasons, right?

I need to know the reason why Howell hid all of these from me, because I could feel that something is not right at all. Parang may mali.

Parang wala sa sarili akong naglakad papunta sa silid kung saan ang mga anak ko. Parang hindi ko pa ata kayang bumalik sa kwarto niya pagkatapos ng natuklasan ko kani-kanina lang. Parang bigla akong hindi naging komportable sa hindi malamang na dahilan.

Nang makarating ako sa silid ng mga anak ko ay tahimik ko 'yung binuksan at isinirado para hindi sila magising. Isa-isa ko silang hinalikan sa noo pero nagising ko ata si Agapov.

"Momma?" Nakapikit ang isa niya mata habang isa ay nakabukas at parang sinisigurado kung totoo ba ako.

"Yes, baby?"

"Why you hewe?"

Ngumuso ako sa kanya at naglalambing na hinalikan siya sa noo. "Gusto ni mommy tumabi sa mga babies ko ngayon, pwede ba akong makisingit, hmm?"

"Of couwse, momma!" Hindi ko na napigilan nang kalabitin niya ang mga kapatid niya at ginising. "Bwos, momma wants to sleep beside us!"

Uungot-ungot pa ang mga kapatid dahil hindi niya ito tinigilan hanggang hindi nagmumulat kaya natatawa nalang ako. Naku, mukhang mali atang pumunta pa ako dito. Naistorbo ko tuloy sila sa mahimbing nilang pagtulog. Hanggang sa nagising na nga silang tuluyan dahil sa pangungulit ni Agapov.

"Why are you so noisy, Agapov?" Naiinis na tanong ni Aphelion.

Ininguso ako ng bunso. "Momma said she wants to sleep beside us. So shoo, bwo. Momma should be in the center." Pananaboy niya pa kay Aphelion dahil silang dalawa ang naka gitna.

"Okay, okay. Just please keep quiet. Mami, tabi ka na po sa amin." Inaantok niya sabi at umusog na para mabigyan ako ng espasyo sa gitna nila.

"Yey!" Parang bata kong ani at masayang humiga sa gitna.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now