"Faye! Faye!"
Rinig ko ang malalakas na katok ni Sam at tawag sa labas ng kwartong tinutuluyan ko.
Nasa isa sa mga guestroom ako sa bahay nila Sam. Pero parang hindi naman 'to guestroom. Kasi naman, kompleto ng gamit!
May walk in closet, TV, sariling banyo, mala-king size na kama, sofa set at marami pang iba! Kompleto talaga! Mukhang hindi guestroom.
"Faye! Papasok ako ah!" Paalam ni Sam at narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Kahit inaantok ay nilingon ko ito.
"Bumangon ka na diyan, Faye. Aalis tayo ngayon!" Excited niyang sabi.
Maingat akong bumangon dahil sa may kalakihan at kabigatan na ang tiyan ko. Kinusot ko muna ang mata ko bago tignan si Sam na nakangiting nakatingin sa akin.
"Saan tayo pupunta?"
"Birthday ni mommy sa susunod na bukas! Pero dapat ngayong araw ay nandoon na tayo para masukatan na tayo ng gown! Hehehe. May mga nagawa na kasing gown, size na lang natin ang kukunin para mabigyan na tayo. Kasi kung magpapagawa pa ay kukulangin na sa oras dahil pagkatapos bukas ay araw na ng birthday ni mommy." Pagdadaldal na naman ni Sam.
Ewan ko ba. Pero sa pagkakatanda ko ay 'saan kami pupunta' lang ang tanong ko. Pero ang haba na ng sinabi niya.
Napailing na lang ako sa kadaldalan ng kaibigan.
"Naku, Sam. Kayo na lang ang pumunta. H-hindi naman ako mahilig sa mga party na yan." Napasimangot siya sa sinabi ko.
"Naku, Faye! Huwag mo 'kong ma-ganyan-gangyan! Akala mo hindi ko napapansin na netong mga nakaraang araw na nandito ka eh nakatunganga ka lang at minsan ay nakatulala sa kawalan! Naku! Huwag mo lang masabe-sabi sa akin na namimiss mo 'yung mokong na gago na animal na punyeta na demonyo mong ex-husband! Naku!" Maingay na namang sabi niya.
"Ex-husband? Diba, hindi pa naaprobahan 'yun? At saka matagal pa siguro yun." Takang tanong ko.
"Eh bakit ba? Eh sa advance ako mag-isip eh! Psh!"
At maya-maya'y tinaasan niya ako ng kilay. At nakapameywang na humarap sa akin.
"Teka nga. Bakit parang tunog ayaw mo atang mapadali ang pagpapa-proseso ng divorce niyo huh? Aminin mo nga saken, huwag mong sabihing gusto mo namang bumalik at magpakatanga sa lalakeng 'yun!" Grabe talaga makasigaw ang babaeng 'to.
Bahagya pa akong lumayo sa kanya at tinakpan ang tenga ko. Ang tinis naman kasi ng boses nitong babaeng 'to.
"H-hindi no! B-bakit k-ko naman gagawin yun!" Nauutal kong tanggi.
"Eh bakit nauutal ka?" Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Huwag mong sabihin na tama ako 'no?! Naku, Faye! Sasabihin ko talaga sayo! Ako mismo ang mag-uuntog sa ulo mo sa pader para magising ka na sa katotohanang wala talagang kwenta ang ex-husband mo! Na kahit diamond na ang nasa harap, ay iyong bato parin ang pinili."
Napayuko ako sa sinabi niya.
"Naiintindihan ko naman siya eh. Hindi naman kasi basta-basta natuturuan ang puso nating magmahal ng iba." Malungkot kong ani.
Lumapit siya sa akin at tumabi ng upo sa kama ko.
"Oo. Hindi naman talaga natuturuan ang puso nating magmahal. At alam ko ding, DARE lang ang skor niyong dalawa. Pero diba, kahit respeto man lang ang ibigay niya sayo? Mahirap ba yun? Sinabi pa niya sayong, wala kang karapatang masaktan. Eh gago pala siya eh! Na demonyo na talaga!"
Alam ni Sam ang lahat ng nangyari sa araw ng paghihiwalay namin ni Howell dahil sinabi ko lahat sa kanya nung araw na pumunta ako sa hospital, ng mismong araw din na 'yun. Wala kasi akong ibang maagsabihan ng hinanakit at nararamdaman ko. Siya lang. Kaya na i-kwento ko sa kanya ang lahat.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :