Baka namalikmata lang ako kanina.
Siguro hindi talaga siya 'yun. Palagi ko kasi siyang naiisip eh! Ayan tuloy mukha akong nakadrugs. Wah.
"You're here." Malamig niyang sabi na parang naramdaman niya ang presensya ko kahit hindi naman ako gumawa ng ingay.
Nakatalikod pa rin siya sa akin habang nilalasahan ang niluluto niya. Hindi niya pa ako tinitingnan.
Inilapag ko muna ang mga dala ko dahil medyo mabigat na siya.
"Ano 'yang niluluto mo?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.
Dinungaw ko ang niluluto niya. Wow! Kare-kare, beybeh!
"Kare-kare." Nakyutan ako sa pagkakasabi niya ng kare-kare.
Marunong na magluto si Howell nung magkita kami ulit. Pero nung college pa lang kami ay daig pa niya ang walang panlasa kung makatimpla. Niraramihan niya ng asin o di kaya ibang kasangkapan kaya pangit talaga siya magluto! Hahaha!
Minsan lang magluto si Howell. Pag may bisita lang kami. At feeling ko ay may bisita talaga kaming darating.
"Mom's coming." Sabi niya habang hinahanda ang mga pagkain.
Sabi ko na nga ba eh!
Matagal-tagal na ring hindi nakakapunta ang mommy niya dito. Mga last 4 months ago pa. Ang daddy naman niya ay iyong sa maliit na salo-salo pagkatapos ng kasal lang namin ko lang nakita. Isang beses lang.
Sa maliit na simbahan lang kami ikinasal. Tanging ang pari, ang mom at dad ni Howell at ang tatay at kapatid ko lang ang witnesses. May maliit din kaming salu-salo pagkatapos ng kasal.
Nakatira kasi ang parents ni Howell sa States. Sabi niya nun ay may mga kompanya sila doon at dito sa Pilipinas.
"Nakauwi na ba siya?" Ang sabi kasi ng mommy ni Howell na may aasikasuhin siya sa States. Siguro about sa negosyo nila?
"Kaya nga pupunta dito kasi nakauwi na, diba?" Pambabara niya.
Ngumuso ako.
Oo nga naman Faye! Ang tanga lang! Alangan namang pupunta siya dito ngayon pero nasa States pa rin siya. Bobo tologo!
"Where have you been?" Tanong niya.
Medyo kinabahan ako nang makita ang mga mata niya. Ibang-iba ang dilim ng mga mata niya ngayon kesa doon sa mga mata na nakita ko ss mall na hallucination ko lang ata.
"S-sa mall. Namili ako ng mga gamit ng babies."
Sumulyap siya sa mga paper bags na dala ko at ibinalik ang paningin ulit sa akin.
"Galing ka sa mall?" Tanong niya ulit.
Paulit-ulit lang tayo neto 'no?
"Oo. A-akala ko nga andun ka, k-kasama ang ibang b-babae."
Nag-iwas siya ng tingin at binasa ang pang-ibabang labi. Lalo tuloy napidina ang mapula-pula nitong kulay. Sarap i-kiss kahit isa lang! Pa-chansing naman diyan hubby! Chour!
"M-magbihis ka na. Parating na 'yun si mommy."
"Hindi ba kasama ang daddy mo?"
Natigilan siya sa ginagawa.
"He's b-busy. Don't ask anymore and fucking change already."
"Okay." Ngumunguso akong dinampot ang mga pinamili at umakyat na sa kwarto para makapagbihis.
Nagbihis muna ako bago ko inayos ang mga pinamili ko, tutal wala pa naman ang mommy ni Howell, at kung dumating na ay alam ko namang tatawagin din niya ako.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :