Napabalikwas ako ng bangon at hinihingal.
Totoo ba talaga ang lahat ng iyon? Mga alaala ko ba ang lahat ng mga 'yun?
May mga parteng blurry pa rin pero ang iba ay bumabalik na. Pero diba dapat maging masaya ako kasi sa wakas unti-unti ng bumabalik ang mga alaala ko?
Pero bakit ganun? Bakit ang sikip sa dibdib? Bakit parang masasakal ako at hindi makahinga?
Inilibot ko ang aking paningin sa pagligid. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang makita puro puti ang pintura ng silid. May sofa set at TV din. Nang iginalaw ko ang kamay ko ay nakita kong may dextrose na nakatusok sa kaliwang kamay ko. Ibig sabihin ba ay nasa hospital ako?
Bahagya akong napayuko nang medyo sumakit ang ulo ko.
Ah. Oo nga pala. Nahimatay ako kagabi at nawalan ako ng malay nang marinig na paparating na ang tulong na hiningi ni Jake.
Speaking of Jake ay inilibot ko ulit ang paningin ko pero wala akong ibang kasama sa kwarto.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman ay tumingin ako doon at nakita kong pumasok si Fykes. Nagulat pa siya nang makita ako.
"Ate! Shit, gising ka na! Thank God!" Mabilis niyang inilapag ang mga paper bag sa sofa sa harap ng TV bago pumunta sa akin. "Alam mo bang pinag-alala mo kami, huh Ate? Kung hindi lang kami sinabihan ni Kuya Jake na nasa hospital ka pala ay baka nahimatay na si Tita at Papa sa pag-aalala sayo! Buti na lang at pinuntahan kami ni Kuya Jake sa loob ng event. Hinintay ka namin doon eh! Hindi ko nga siya halos mamukhaan pero nagpakilala naman siya at natatandaan namin siya ni papa."
Humiga ako ulit dahil feeling ko ay hihimatayin na naman ako sa biglaan kong pagkahilo. Siguro dahil biglaan din akong bumangon kanina. Inalalayan naman ako ni Fykes na humiga nang makitang nahihirapan ako. Bahagya niya pang iniangat ang kama ko.
"Umuwi muna sina Papa para magbantay sa mga bata. Si Ate at Kuya Michael kasi ay parang may lakad ata? Hindi ko alam."
Tumango na lang ako. Speaking of my children, ay namimiss ko sila. Parang ang tagal ko na silang hindi nakita.
"A-anong nangyari sa party kagabi, Fykes? Sorry, nasira ko pa ang dapat sana ay gabi ng pamilya natin." Nakanguso kong sabi.
"Ate, okay lang 'yun. Ang importante ay ayos tayong lahat at malusog. At ate, it's been two days since that night."
Nagulat ako sa sinabi niya at mabilis siyang tinignan.
"T-two days? I-ibig sabihin, ay two days akong tulog? Two days akong walang malay?!" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
Tumango siya. "Oo, ate. Ang sabi ng doktor ay baka dahil bumabawi ang katawan mo. Lalo na't matagal mong ininda ang sakit at hindi ka agad nadala sa hospital."
Sa lahat ng sinabi ni Fykes ay may isang bagay ang nagpaulit-ulit sa tenga ko.
"Lalo na't matagal mong ininda ang sakit..."
Oo. Matagal kong ininda ang sakit. Hindi sakit sa ulo kundi sakit sa puso.
Natawa ako sa sarili ko. Matagal ko na palang alam na nasasaktan ako noon pa man pero hindi pa rin ako umaalis sa puder ng hayop kong asawa. At ang mas nakakatawa pa ay ang bestfriend ko pa talaga ang mismong nagtraydor sa akin?
Iyong babaeng mukhang minecraft ang mukha, iyon 'yung bestfriend ko noon? Hahaha. Nakakatawa! Sa sobrang nakakatawa, ay para akong mababaliw. Mga tangina nila.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :