Kulang nalang ng kuliglig at huni ng ibon ang kalagayan namin ngayon.
Sobrang tahimik at nakatulala lang siya sa akin.
Sa mukha niya at itsura niya ay para siyang inosenteng bata na nakatingin sa akin at tinitingnan ako kung totoo ba ako o hindi. At dahil sa asta niyang yan ay mas lalo akong nainis sa kanya kaya naman iniwas ko na lang ang tingin ko. Nakikita ko kasi talaga ang mga mukha ng anak ko sa kanya eh. Kaya nag-iiba ang pakiramdaman ko tuwing kaharap ko siya.
Ilang sandali pa kaming tumahimik at dahil hindi ko na nakayanan ang paninitig at pagkatulala niya sa akin, at dahil na rin siguro sa inis ko sa kanya ay inis ko siyang binalingan ng tingin at parang nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Tutulala na lang ba kayo diyan, Mr. Idelson." May diin kong sabi.
Mukhang natauhan naman siya at napabalik sa wisyo niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumikhim. Segundo lang ang binilang ko at maya't maya din ay bumalik na ang seryoso niyang mukha.
"Anong ginagawa mo dito, Ms. Martinez? Didn't you made your decision earlier? You stormed out from my office without looking back and now you're here in front of me. You clearly refused the job that I proposed to you earlier. Why?" Maang-maangan niyang tanong.
Itong tukmol na 'to, konti na lang at baka hindi ako makapagpigil sa kanya at masabunutan ko 'to ng buhok.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita at nagpilit ng ngiti sa kanya.
"Yes, sir. Lumabas po ako ng office niyo ng walang sabi-sabi at lingon-lingon. But I didn't remember anything that I refused to get the job, sir." Magalang kong sabi habang nakatungo pa rin.
Ayaw kong makipag-titigan sa kanya 'no. Baka kung ano pa ang magawa ko sa demonyong 'to.
"Yes, but I guess turning your back on me was your way in saying you decline or refused the job, wasn't it?"
"You're wrong with that thought, Mr. Idelson. Hindi lang talaga ako marunong magtimpla ng kape. Kaya naman bumaba ako para bumili ng kape." Pagsisinungaling ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Ang sarap ko kayang magtimpla ng kape!
Nang hindi siya nagsalita ay nagtaka ako kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya na sana ay hindi ko na lang din ginawa kasi ayun na naman 'yung mga tingin niyang mapanghusga. Parang deja vu lang. Parang nakita ko na ang ganung mata niya noon. Hindi ko lang matandaan kung kailan dahil hindi pa naman lahat ng alaala ko ay bumalik na.
"You know to yourself that you're lying, Ms. Martinez." Matigas niyang sambit habang deritsong nakatingin sa akin.
Sa klase ng tingin niyang 'yun ay parang nanginig ang buong kalamnan ko. Ewan ko ba. Pinagsawalang bahala ko na lang at nagpanggap na hindi ako naaapektuhan sa presensya niya.
Ngumiti ako sa kanya. "I don't know what you are trying to say, Mr. Idelson. Ikaw na rin po mismo ang nagsabi, don't bring your personal issues here at work." May panunuya kong sabi sa kanya.
"Okay. So... payag ka na-- I mean, itutuloy mo na ang pagtatrabaho dito as my secretary?" Kailangan talaga may diin 'yung my.
"First day ko pa po 'to, sir kung nakakalimutan niyo. Kaya po hindi po dapat '...itutuloy mo na ang pagtatrabaho dito...' dapat po '...papasok ka na dito as my secretary dahil tanggap ka na...' ganun po." Hanue daw 'yung sabi ko? Ay basta.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Teen Fiction[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :