Tulala akong nakatanaw sa malayo habang hinihintay ang paglubog ng araw.
Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang mga sinabi ni papa kanina.
Hindi ko na alam kung saan magsisimula o kung matatapos pa ba 'tong mga misteryo sa buhay ko.
Tandang-tanda ko pa ang pareho naming reaksyon ng nakababata kong kapatid nang marinig ang buong katotohanan kanina.
"Anong p-pinagsasabi mo, papa? Kapatid? May kakambal si ate?" Nauutal na tanong ni Fykes.
"Siyam na taong gulang ka Faye, noong malaman namin na kambal pala talaga ang pinagbubuntis ng inyong ina. Nalaman namin 'yun nang magtapat si mama na nagpaanak sa mama niyo. Noong kapanganakan niya kasi ay nasa trabaho ako noon at nang makarating ako sa bahay ay naisilang na ang panganay namin. Nahimatay din ang mama niyo pagkatapos maisilang ang unang bata. Kaya hindi namin lubos maisip kung paano naging kambal." Paos na kwento ni papa.
Nanghihina akong napatitig sa kaniya habang paulit-ulit na pinapasok at iniintindi ang mga sinasabi niya.
"Bakit hindi niyo alam n-na dalawa pala kami?"
"Alam niyo naman siguro ang kwento kung bakit kailangan naming magtago, diba? H-hindi kami makapunta sa hospital sa takot na may makakilala at magsumbong sa nanay niyo. Ayaw naming sumugal sa panahon na iyon dahil lalo pa't nagdadalangtao ang aking kapareha. Kaya sa mga taong mapagkakatiwalaan lang talaga k-kami lumalapit sa mga panahong iyon."
"Papa, si lola. Paano niya nalaman na kambal pala ang panganay niyo?" Mukhang wala sa sariling usal ng kapatid ko.
Nakita ko kung paano gumuhit ng sakit ang mukha ni papa at unti-unting pagtulo ng mga luha.
"Si m-mama ang nag-b-benta sa kapatid n-niyo." Humagulhol si papa kasabay nang pagtulo ulit ng mga luha ko.
"B-benta? Bakit binenta ni lola ang kapatid ko, papa? BAKIT NIYA BINENTA ANG KAKAMBAL KO?!" Napatayo na ako dahil para na akong mababaliw sa mga impormasyong ito.
YOU ARE READING
SOMEDAY
Novela Juvenil[UNEDITED VERSION] What can a person do for love? DATE STARTED : APRIL 8, 2021 DATE ENDED :